Chapter 22

11K 192 20
                                    


Nagising ako ng walang Luke sa tabi ko. Magulo ang kama halata na may nangyaring iba kagabi pagitan samin. Pagod na pagod ako kagabi ang cliché man sabihin pero pinagod ako ni Luke. Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi niya ako nakikitang latang lata na.

Tumayo na ako sa kama at pumunta sa closet ko, kumuha ng malinis at dumiretso sa c.r. upang mablinis ng mukha. Masakit ang ibabang parte ko pero pinilit ko bumaba na para tignan kung tuluyan na ba akong iniwan ni Luke.

"Mia..." Hindi pa ako nakakalabas ay pumasok na si Luke sa kwarto na nakabihis na. He's wearing black long sleeves, grey slocks, and black shoes. He looks neat...and hot.

Mia, really? Early in the morning? Ito ang tumatakbo sa isip mo?

Lumapit si Luke sakin at niyakap ako. Lumayo ako nang kaunti dahil kakagising ko lang at baka kung ano ang masabi niya sakin pero the more na lumalayo ako, mas lalo niya akong hinihila palapit sa kanya.

"Luke ano ba. Kagigising ko lang..." Pilit ko parin siyang tinutulak pero no use he has more strength that I am.

"Mia...you smell so fvckin sweet." Nilipat niya ang kanyang ulo sa gilid ng aking leeg na kanina ay nasa tuktok ng aking ulo.

Binigyan niya ng maliliit na halik ang leeg ko. Napapalayo ako dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya pero lalo lang niyang inuulit dahil alam niyang nakikiliti ako.

"May pasok ako Luke maghahanda na ako. Tigilan mo na yan..." Tumigil naman siya sa sinabi ko at tinignan nalang ako. Hinihintay sa susunod na sasabihin.

"Ano?" Dahil matagal tagal din siyang nakatitig sakin.

"Tuloy parin baa ng pageant na sinasabi mo?" Tanong niya.

"Oo. Bakit?" Kinakabahan na tanong ko.

"Ayoko talagang sumasali ka sa mga ganyan, naiinis ako... tangina hindi ako mapakali." Nagsisimula nanaman siyang mainis.

"Luke... pinagusapan na natin 'to diba? Susuotin ko naman yung singsing na binigay mo sakin."

"Ayun nga eh, kahit naman suot mo 'yon tangina ang dami parin umaaligid sayo. Gusto nalang kitang ikulong dito..." Pigil hininga niyang sabi sakin.

"Luke, mas lalo kitang kamumuhian kapag ginawa mo sakin 'yon. Mas lalo akong kakawala sayo. Hindi na ako magpapakita sayo. Tatandaan mo 'yan." Seryoso kong sabi sa kanya sabay alis sa yakap niya. Hindi naman siya nakakibo at hinayaan na akong umalis.

Pagkababa ko ay nandon na si Manang at naghahanda ng pagkain namin ni Luke. Umupo na ako sa pwesto ko kung saan katabi ko si Luke. Maya-maya lang ay bumaba na siya at tumabi sakin para kumain.

"Sumabay kana sakin. Ihahatid na kita sa school mo." Ayan lang ang sinabi niya sakin sa buong minuto ng pagkain namin.

Matapos kong kumain ay tumaas na ako sa kwarto upang maghanda para sa school. Nagmake up ako ng kaunti ngayon dahil may practice kami ngayon para sa pageant. Sinabihan kasi ako ng Mrs. De Guzman na kailangan magmake up.

Pagkababa ko ay nakita ko si Luke sa sala at nagtitipa sa kanyang cellphone. Pagkarating ko ay tumayo na ito at itinago ang cellphone sa bag.

Sumakay na kami sa kotse at tumungo na sa school. Habang nasa byahe ay hinid kami nagkikibuan ni Luke at patuloy lang ito sa pagigting ng panga habang nagdadrive.

"Mia..." Nagsalita siya bago niya ako ibaba sa lugar na medyo malayo sa school.

Tumingin lamang ako sa kanya at hinihintay ang susunod na sasabihin.

Governor's Girl [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now