Chapter 2

17.9K 309 7
                                    



Buong gabi kong pinagisipan yung sinabi niya sakin. Paulit ulit iyong tumakbo sa utak ko habang kumakain ako ng umagahan. Tinanong ang sarili bakit niya nasabi ang mga iyon? Ganun ba epekto ng alak sa kanya?

"Simula ngayon, wala ng makakahawak sayo. Malilintikan sakin kung sino man ang humawak sayo. Akin ka, Mia. Tandaan mo yan. Your body, soul, heart. Akin lahat. Walang makikihati, akin ka buong-buo."

Nagmamadali akong pumunta kila Anne ngayon dahil aalis kami para mamali ng bagong dress dahil sa nalalapit na graduation namin. Sa palengke nga lang gusto kong bumili kaso itong si Anne ang mapilit na sa mall na kami bumili. Sinabi ko na wala akong pambili pero makulit talaga siya at ipinilit na sa mall na kami bumili.

Nasa tapat na ako ng gate ng bahay nila pero bago ako pumasok nagdasal muna ako na sana naman wala si Kuya Luke rito hindi ko pa siya kayang harapin pagkatapos ng nangyari kagabi.

"Mia, andyan ka na pala. Halika pumasok ka, nagbibihis pa si Anne kung gusto mo puntahan mon a siya sa kanyang kwarto." Pambungad na bati sakin ng isang kasambahay nila.

"Hindi po, okay na po ako rito. Hihintayin ko nalang po siya matapos." Sagot ko sa kasambahay.

"Kumain ka na ba? Halika muna sabayan mo muna ako kumain baka hindi ka pa nagaagahan" yaya nito sakin.

"Hindi po ate, okay lang po ako. Sige na po kumaiin na po kayo, hintayin ko nalang po kayo rito." Sabay ngiti ko sa kanya para masigurado niyang okay ako.

"Sige dyan ka muna kapag may kailangan ka nasa kusina lang ako tawagin mo lang ako" sabay talikod nito at pumunta na sa kusina.

Silang magkakapatid ay may kanya-kanyang frame sa iang magandang kahoy na lamesa nakapwesto ito sa gitna at nasa gitnang bahagi si Kuya Luke dahil pangalawa siyang anak. Pinuntahan koi to sa pinagmasdan. Makikita mo sa magkakapatid ang banyagang dugo na dumadaloy sa magkakapatid.

Tinitigan ko ang kay Kuya Luke, nakabusiness attire ito na puting polo na nakatupi sa three-forts, hindi ito nakangiti sa lirtrato ngunit kitang kita ang kagwapuhan niya. Matangos ang ilong nito at mapupula ang labi, brown ang kulay ng buhok nito at madilim ang aura niya sa litrato, para siya isang malaking misteryo.

"Mia" nagulat ako sa tumawag sakin at napalingon bigla.

"K-kuya Lu-uke, b-bakit?" Kinakabahan na sabi ko sa kanya. Naka puti itong polo kagaya ng nasa picture niya at naka itim na pantalon

"Saan kayo pupunta ni Anne?" sagot niya sa tanong ko, parang walang nangyari kahapon ah?

"A-ah, sa m-mall po, bibili po ng damit para sa g-graduation" nakayukong sabi ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa mga mata niyang malalalim naaalala ko yung mga sinabi niya sakin kagabi.

"Isama niyo yung isang bodyguard ko." Napa-angat ako ng tingin sa kanya. Bodyguard? Ano kami bata? May tagabantay?

"Ho? Bodyguard? Hindi na po, kaya na po naming ni Anne iyon, nagagawa naman po naming dalawa ang pumunta sa mall ng walang kasama okay lang po kami." Kumbinsi ko sa kanya.

Bakit ang tagal bumaba ni Anne, ayaw ko ng makaharap si Kuya Luke hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag nagpatuloy pa itong paguusap naming dalawa.

"Kapag sinabi kong isasama niyo yung isang bodyguard ko, isasama niyo. Wag mo akong sawayin Mia. Para sainyo 'tong ginagawa ko, lalo na sayo." Nakatitig sa akin ang seryoso niyang mukha ngayon. Hindi ko alam ang tinatakbo ng isip niya.

Naguguluhan man sa mga nangyayari ay pinilit kong magtanong sa kanya. "Para sakin po? Bakit naman po?"

Mas lalo itong lumapit sakin at mas lalo naman akong umaatras sa bawat paglapit niya.

Governor's Girl [DISCONTINUED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum