Chapter 18

10K 169 13
                                    


Dali-dali akong umakyat sa kwarto namin dahil baka kung ano na nangyari kay Luke. Kinakabahan ako na kumatok o kahit buksan lamang ang pinto dahil galit nanaman ito. Baka kung ano ang magawa niya sakin dahil sa galit.

Pabukas na sana ako ng pinto nang makarinig nanaman ako ng pagkabasag nang kung ano sa loob nang kwarto kaya dali dali ko itong buksan, hindi na inisip kung ano ang mangyayari pagkapasok ko sa loob.

Nang makapasok na ako sa loob ay nakita ko si Luke na hawak ang lamp at akmang ibabato sa pader. Pumunta agad ako kung nasaan siya at inagaw ang lamp sa kamay niya. Nung una ay ayaw niya pa magpaawat, gigil na gigil ibato ang lamp sa pader upang mailabas ang galit niya. Pero hindi ko hinayaan na gawin niya iyon kaya kahit anong lakas niya ay tinumbasan ko para maagaw ang lamp at mapigilan siya pero wala parin talaga mas malakas parin siya sakin.

"FVCK, MIA!!!" Hindi ko alam na naitulak na pala niya ako at nasubsob sa sahig.

Dali-dali na lumapit si Luke sakin. "Are you alright? I'm sorry, baby. I'm sorry." Paulit-ulit niya itong sinasabi sakin hanggang sa maalalayan na niya ako tumayo at maiupo sa kama.

"I'm sorry, baby. I'm sorry. Please forgive me." Nakaluhod na ito sa harap ko habang nakapatong ang mukha sa hita ko. Parang inaalo ako. Kinukumbinse ako na sincere ang sorry niya.

"Okay lang ako, Luke. Tumayo ka na dyan please. Okay lang talaga ako." Sabi ko habang inaalalayan na tumayo si Luke at maiupo sa gilid ko.

Nagulat ako ng makita ko itong humihikbi. Medyo nagpanic ako dahil ngayon ko lang siya nakita na umiyak. Dahil lang sa natulak niya ako?

"Luke? Ba't ka umiiyak? Okay lang talaga ako." Hindi parin siya tumitigil sa paghibi kaya naman hinawakan ko na ang pisnge nito upang tumingin sakin.

"Luke?" Tawag ko sa kanya.

"Mia, I'm sorry. Believe me hindi ko ginusto na maitulak ka. I'm sorry. Nagkasugat ka tuloy." Hinawakan niya pabalik ang mga kamay ko na nakahawak sa kanyang pisngi.

"Hindi. Okay lang talaga ako. Okay lang promise. Gasgas lang 'to" Ngumiti ako sa kanya para siguraduhin na okay lang talaga ako.

"Luke, let's talk please..." Biglang nagbago ang mukha nito, mula sa pagiging kalma hanggang sa naging agresibo ulit.

"About what?... 'yung sa sinasabi mong pageant?" Nandilim ang mga mata nito habang sinasabi niya ito.

"NO. MIA." Madiin na sabi nito sabay tayo at dumiretso sa balkonahe. Kinuha nito ang sigrailyo at lighter sa table niya.

Sumunod ako sa kanya.

"Please, Luke. Kailangan ako ng department namin. Please..." Pagpupumilit ko.

"Bakit ikaw pa? Wala bang napili na iba? Tangina, bakit ikaw pa?" Pagkatapos niyang sabihin ito ay bumuga ito ng usok. Tamang-tama ang usok ng sigarilyo ngayon. Bagay sa malamig na simoy ng hangin sa balkonahe.

"Hindi sa wala pero ako ang sinabihan ni Mrs. Deguzman"

"Hindi parin, Mia. Ayoko." Hinding hindi makikita ang Luke na nakasama ko kanina. Ang Luke na humihikbi sa tabi ko. Iba siya sa Luke na kausap ko ngayon.

"Luke, please... payagan mo na ako."

Tumingin lamang ito sa gawi ko at bumuga sa sigarilyo.

"Sa isang kondisyon..."

Napatingin ako sa kanya dahil ayan nanaman siya sa mga kondisyon niya.

"Ano? Hindi ka payag? Sige okay lang. Mas gusto kong hindi ka kasali sa mga kashitan na ganon."

"Sige ano 'yon?" Tinapangan ko na sarili ko na magtanong sa kanya.

"You will wear this ring. ALL THE TIME. Not just in the pageant. Everytime." Nagulat ako sa sinabi niya at sabay naglabas ito ng maliit na parisukat sa bulsa na kulay Red Velvet. Nasa loob nito ang isang simpleng singsing na may maliit na dyamante. Sapphire. Birthstone ko.

"Luke, ano 'to? Hindi ko matatanggap 'to. Hindi pa sa ngayon. Hindi pa pwede." Umaatras na ako sa kanya.

"Hindi? Okay, hindi ka makakasali sa kahit anong pageant o makakalabas man lang ng bahay. Eskwelahan-bahay kalang." Nakangiti na sabi nito sakin.

"Luke... kahit ano 'wag lang yan."

"No, Mia. Ito ang gusto ko. Wala ng iba. Ito lang."

"Ano hindi mo parin isusuot?" Palapit ito nang palapit sakin.

"O-oo na. Sige, papayag na ako."

Kinuha nito ang kaliwang kamay ko at isinuot ang singsing sa kamay ko sabay halik sa kamay ko.

"Okay, madali ka naman pala kausap. Update me every time regarding with your pageant. Umiwas-iwas ka sa mga lalaki."

Pagkatapos niyang sabihin ito ay umalis na ito sa harap ko at pumasok sa loob ng kwarto.

Ayokong maging laruan ng kung sino lang. Ayoko ng trato ni Luke sakin. Hindi ako pinalaki at pinagaral para maging sunod-sunuran ng kung sino. Pero wala akong magawa. Siya ang bumubhay sakin. Siya ang nagbibigay ng scholarship. Kailangan ko magtiis hanggang sa atapos itong pagaaral ko.

Sumunod na ako sa kanya at nakita ko siyang naghuhubad na ng polo niya. Wala na itong pantalon, tanging boxer nalang ang suot nito.

Papunta na ako sa walk-in closet niya upang kumuha ng damit ko pero bago pa ako makapunta ay hinla na ako ni Luke at inupo sa kanyang hita habang nakaupo ito sa kama niya. Nakikita ko ang releksyon namin sa salamin na nasa harap namin.

Nakatingin ito sakin at hinahalik halikan ang balikat ko kahit na may pang-itaas pa ako.

"Mia, the ring really suits you. I like it."

Nakatingin lang ako sa kanya na pinaglalaruan ang kamay ko na may singsing. Nakatngiti siya ng tipid habang pinamamasdan ang kamay ko.

"Luke, bakit mo ba ibinigay sakin ito? Wala naman namamagitan satin"

Napatingin ito ng matalim. Mukhang may nasabi akong mali sa kanya.

Hindi pa ako nakakbawi sa ginawa niya sakin kanina ay ito nanaman siya. Inihiga niya ako sa kama at umibabaw sakin.

"Ano? Ano ulit 'yung sinabi mo Mia?"

"Luke..."

"FVCK MIA. ANO 'YUNG SINABI MO? ULITIN MO!!!" Nakasigaw na sabi niya.

"W-walang t-tayo, Luke. Wala. Hindi ko alam kung bakit mo—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan ng marahas. Pumipiglas ako pero ang lakas niya talaga.

Galit nanaman ang paraan ng paghalik niya sakin. Madiin at masakit.

Naitulak ko si Luke. Natigil ito sa paghalik sakin. Pero maya-maya lang ay tinuloy nanaman niya ito at mas lalong idiniin ang halik. Hindi na ako nakapagpigil at sa dibdib ko na siya naitulak at nagawa ko naman.

Nakatingin naman ito sakin ng masama at nasampal ko ito.

Nagulat ako sa ginawa ko. Tumayo si Luke at sumunod ako rito.

Nang nasa pintuan na ito ay tumigl ito at tumingin sakin. Wala na akong ianksayang panahon at hinawakan ko ang pisngi nito.

"I'm sorry, Luke. Hindi ko sinasadya. I'm sorry, please." Wala lamang itong imik sakin. Kaya hindi ko inalis ang kamay ko sa pisngi niya. Humihingi parin ng pasenya sa nagawa ko sakanya.

"BITAW, MIA. AYAW KITANG MAKITA NGAYON." Nanlumo ako sa sinabi niya kaya naibaba ko ang kamay ko. Umalis na si Luke at sinara ng napakalakas ang pinto. 

Governor's Girl [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now