Chapter 9

13.9K 221 16
                                    


Pagkapulot ko nang mga damit ko ay tumakbo na ako paalis ng bahay ni Luke. Hindi ko na hinintay na makabalik pa siya dahil ayokong maulit yung nangyari. Hindi ko talaga maisip sa sarili ko na ginawa ko yun. Ginusto ko rin naman 'diba? Kaya ba't ako nagrereklamo?

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang 11pm na. May masasakyan pa ba ako? Bago ko pa man maipasok sa bulsa ng pants ko yung cellphone ay tumunog na ito at tumawag si Luke. Ayokong sagutin dahil papagalitan nanaman niya ako. Naglakad lakad ako para makalabas na ng subdivision kung nasaan ang apartment ni Luke. Buti nalang ay may nakita agad ako pinara ito.

Habang nasa loob ako ay 'di ko maiwasang isipin yung dahilan kung bakit ko ba ginawa 'yun? Nagpapakita lang 'yun na may pagnanasa rin ako kay Luke. Iniisip ko kung paano ko ba siya maiiwasan sa mga darating na araw pero mukhang hindi ko na nga magagawa iyon dahil tumatawag na siya. Pangalawa na ito. Sasagutin ko na dahil ayoko ng madagdagan pa ang galit niya sakin.

"Hello..."

Mga ilang minute ay walang nagsalita sa kabilang linya kaya sinubukan ko ulit magsalita pero wala talaga. Ibababa ko n asana yung tawag nang may narinig akong nakakatakot na tawa sa kabilang linya.

Ano nanaman baa ng nangyayari sa kanya? Kinokontrol na ba niya ang galit niya dahil wala akong naririnig na pagbasag nang kung ano sa kabilang linya.

"SINABI KO BANG UMALIS KA RITO?" Ang pambungad ni Luke sakin.

"Luke, intindihin mo naman ako, gabi na gusto ko ng umuwi ayaw mo naman akong pauwiin..."

"PAPAUWIIN NAMAN KITA MIA, WHY CAN'T YOU WAIT?"

"Pero L-Luke..." Naiiyak na sabi ko dahil sa takot kasi sumisigaw nanaman siya.

"WHERE THE HELL ARE YOU, MIA? SAAN?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumungin ako sa labas ng bintana at nakita na malapit na ako sa bahay.

"Malapit na ako, Luke. Sige na bye na bababa na ako ng taxi."

"NO. I WILL NOT HANG UP UNTIL YOU HAVEN'T REACHED YOUR ROOM... KEEP THIS CONVERSATION ON..."

Ayoko ng dagdagan pa ang inis niya kaya naman sumunod ako sa gusto niya. Bumaba na ako sa taxi at naglakad na papasok sa compound namin. Sakto naman na nakasalubong ko yung pinsan kong lalaki na papauwi na rin sa kanila.

"Oh, Mia ginabi ka ata? Hatid na kita sainyo"

"Hindi na Aaron, baka hinahanap ka na ni Tita. Marami kaming ginawa sa school, Aaron kaya ginabi na ako ng uwi" Nakalimutan kong nasa linya pa si Luke kung hindi ko lang narinig ang pagbasag ng kung ano sa kabilang linya. Palagay ko ay baso 'yon dahil kapag ganitong oras ng gabi ay umiinom ng alak si Luke.

"Aaron, huh?" Pagak na tawa ni Luke. Hindi ko nalang pinansin si Luke dahil magpapaalam na ako kay Aaron dahil nasa tapat na ako ng bahay namin.

"Sige, Aaron mauna na ako. Salamat sa paghatid kahit na tumanggi ako... ililibre kita sa susunod!"

"Ano ka ba wala 'yun. Tsaka gabi na rin baka ano pang mangyarin sayo." Ngumiti nalang ako sa kanya bago pumasok sa bahay. Napansin kong patay na ang mga ilaw siguro nasa kwarto na sila Mama.

Dumiretso na ako sa kwarto at umupo sa kama. Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang hindi pa pinapatay ni Luke iyon.

"Luke..."

"Are you done talking with that fvcker? Agad agad? Ang bilis naman ata? Ba't hind man lang kayo nagusap pa nang mastagal, baka namiss niyo yung isa't isa kaya ka nagmadaling umuwi kanina, right Mia?" Tunog lasing na si Luke dahil dumudilim na ang paraan ng pagsasalita niya.

Governor's Girl [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now