Chapter 17

10.7K 160 7
                                    


Hanggang sa mag umaga ay hindi niya sinagot ang tanong ko. Hanggang sa makapasok ako at ihatid niya ako, hindi niya talaga sinasagot kung sino nga ba si Seola sa buhay niya. Kung anong papel nito, kung bakit ganoon nalang ako kabilis iwan ni Luke nung malaman niyang dumating ito sa paty?

Sinasabi ko sa sarili ko na ayaw ko na magisip dahil nakakasama sa kalusugan kaso wala talaga, hindi ko magawa. Wait... ba't ko nga pinagbibigyan ng pansin si Seola? Ano naman kung girlfriend or fiancée siya ni Luke? Or pinsan? Hindi ko na dapat iniisip yon dahil wala naman namamagitan samin ni Luke.

"Mia..." tawag sakin ng classmate ko habang kinakalabi ako. Napatingin ako sa pwesto niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pinapatawag ka ni Mrs. De Guzman sa faculty."

"Bakit daw?"

"Hindi ko rin alam. Baka may sasabihin lang"

"Sige, salamat." Pagkatapos namin magusap ay tumayo na ako at dumiretso sa faculty kung saan pinapapunta ako ni Mrs. De Guzman.

Habang naglalakad ako ay iniisip ko ang mga posibleng bagay na sasabihin sakin ni Mrs. De Guzman, 'wag naman sana ang pagbaba ng grades ko, hindi ko makakayanan yon. Sa grades nalang ako bumabawi para naman mapagpatuloy ko pagaaral ko, para mapagpatuloy ko ang scholarship ko. Kahit naman na si Luke na ang governor hindi parin ako aasa sa kanya, hanggang sa kaya ko ayokong umasa sa iba.

Nakarating na ako sa harap ng pinto at kumatok.

"Mrs. De Guzman, si Mia po ito, pinapatawag niyo raw po ako?"

Wala pang limang segundo ay lumabas na si Ma'am sa faculty, "Oo, Mia. Halika sa loob tayo, medyo mahaba haba paguusapan natin"

Dumiretso na kami sa lamesa niya at hinila naman ni Mrs. De Guzman ang monoblock na nasa gilid lang, papunta sa tabi ng lamesa niya. Walang tao sa faculty busy ang mga professors dahil sa nalalapit na prelim exams.

Lumapit ako sa tabi niya at umupo.

"Bakit po, Mrs. De Guzman? May nagawa po ba ako? Bumaba nap o ba grades ko?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Humarap ito sakin na parang napakaimportante talaga ng sasabihin niya sakin.

"Mia, pasensya kana. Alam kong mali 'to pero sorry department natin ang nakasalalay dito."

"Ho? Ano pong kinalaman ko sa department natin?" Naguguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ba't ako nadamay sa kung anong issue sa department namin.

"Mia, nilista ko ang pangalan mo sa candidates ng mga kalahok sa beauty pageant ng university. Ikaw ang pambato ng department natin. Sa ilang oras na paguusap, ikaw na ang napili."

"Hindi ko po maintindihan Ma'am, ba't po ako ang sasali sa ganoon? Diba po may candidate na tayo? Bakit niyo po pinapalitan?"

"Si Esther, hindi na makakasali, nasa ospital ngayon, hindi alam kung kailan ng discharge niya."

"Sana Mia matulungan mo kami, bukas na ang pageant wala parin tayong candidate. Hindi rin kasi namin inaasahan na hindi na pala makakasama si Esther.

"Ano, Mia? Payag ka ba?"

"Pagiisipan ko pa po Ma'am. May kapartner po ba? Tsaka wala rin po pala akong damit na susuotin"

"Oo naman, Mia. Si Achillo. Yung taga ibang section. Si E ther may nabili na siya actually, magkasukat namansiguro kayo ng katawan medyo malaki nga lang ang hinaharap mo" Natatawang sabi ni Ma'am. At ang napakaimportante sa laghat, may lalaking kapartner, paano na? Paano kung malaman ni Luke?

Governor's Girl [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now