Chapter 6

16.3K 266 3
                                    


Naiwan ako sa pwesto ko na nakatayo. Pagod na pagod at inaantok. Yung pagod ko hindi lang pisikial na pagod kundi mental din dahil sa mga sinabi ni Luke. Iniisip ko kung paano ko ba nakakayanan yung mga bagay na 'yon samantalang alam ko sa sarili ko na mahina ako.

Maya-maya ay tumayo na ako at dumiretso at sa mga bubog na galing sa mga babasaging nadamay bagay na nadamay sa galit at inis ni Luke. Umupo ako at pinulot ito ng maingat dahil ayokong magkasugat. Dinala ko lahat ng naipon kong bubog sa basurahan at ingat na ingat itong inilagay sa loob.

Pagkatapos kong ligpitin yung kinalat niya ay dumiretso ako sa sala at umupo para magpahinga hangga't wala pa si Luke. Ngayon ko lang natitigan ang hotel na pinagdalhan niya sakin, malaki ito at may sariling kwarto at sariling banyo. Tanaw na tanaw ang kagandahan ng mga ilaw na galing sa syudad mula sa bintana. Hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong wala pang mga alasdose kaya pwede pa akong makauwi.

Hangga't wala pa si Luke at tatakas na ako dahil paniguradong hindi niya ako pauuwiin lalo na't sa nangyari sa kanina. Dumiretso ako sa kwarto para pumunta sa banyo at maghilamos pero hindi pa ako makakalabas ay narinig ko ng bumukas ang pinto at sumara ng napakalakas.

"MIA! MIA!" Sigaw ni Luke mula sa labas ng kwarto. Ayokong lumabas ng banyo dahil pakiramdam kong masasaktan nanaman ako kapag lumabas ako. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto sa kwarto. SInisigaw niya parin ang pangalan ko pero mas pinili ko nalang na huwag nang sumagot dahil unang una sa lahat, wala na akong lakas pa para harapin siya.

Bumukas ang pinto sa banyo at iniluwa nito ang galit at halong pag-aalala na mukha ni Luke. Lumapit agad ito sa akin at hinawakan nang mahigpit ang palapulsuhan ko.

"Bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa ako tawag nang tawag sayo." Hawak niya parin ang kamay ko nung sinabi niya ito.

"Luke, uuwi na ako. Gusto ko nang magpahinga—"

"NO." Hindi pa ako tapos magsalita ngunit pinutol nanaman niya.

"Luke, parang awa mo naman, gabi na. Pagod na ako. Masyadong mahaba ang gabi na ito." Nagmamakaawa parin ako sa kanya ngunit ayaw niya talaga akong pakinggan.

"NO! I SAID NO, MIA!" Pahigpit nang pahigpit ang hawak niya sakin. Pakiramdam ko magpapasa na ito bukas. Pilit kong kinakalas ang hawak niya ngunit sadyang mahigpit talaga.

"IF YOU WANT TO REST THEN REST HERE! YOU DON'T NEED TO GO HOME."

"Luke, hindi mo kasi naiintindihan—"

"Anong hindi ko maintindihan, Mia? Kaya ba gusto mong umuwi dahil pupuntahan mo yung lalaki mo? HA?" Ayan nanaman siya pagiging seloso niya.

"Hindi, Luke! Gusto ko nLng umuwi dahil baka pagalitan na ako. Ano nalang sasabihin sakin ng parents ko? Baka nagaalala na sila sakin lalo na ngayong sinira mo phone ko!" Inis na inis na ako sa kanya sa totoo lang. Hindi siya makaintindi!

"I said no, Mia and that's final. Now, finish what you are doing here and change your clothes I've brought underwear of yours and just take some of my clothes." Pagkatapos niyang sabihin iyon inalis narin niya ang pagkakahawak sa braso ko at umalis na sa banyo.

Ipinagpatuloy ko ang paghuhugas ng katawan ko at pagkatapos ay ginawa ang gusto niya dahil ayoko nang makipagaway pa. Lumabas ako nang banyo at nakita ko siya sa kama na nakahiga at nanonood ng t.v. at mukhang nakapagpalit na rin siya nang damit. Dumiretso ako sa sofa at humiga 'ron. Tumalikod ako sa pweso ni Luke pero alam kong nakatingin siya sakin.

Nagulat ako dahil may biglang bumuhat sakin at inilapag ako sa kama. "Ba't ako nandito? Okay na ako sa sofa, Luke. Doon na lang ako matutulog." Pero hindi niya ako pinakinggan, humiga siya at hinila ako sa dibdib niya. Pilit akong tumatayo dahil ayokong makatabi siya.

Governor's Girl [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now