Chapter 26

9.6K 203 27
                                    


"Then let go of me."

"No. Still a no, Mia."

Tinulak ako ni Luke sa kama tsaka siya pumaibabaw sakin. Hinalikan niya ako ng marahas. Ramdam ko lahat ng galit niya sakin kanina sa paraan ng paghalik niya ngayon.

Pilit kong tinutulak si Luke paalis sakin dahil binubuhos niya lahat ng lakas niya sa pagkakadagan niya sakin kaya nahirapan akong umalis.

"A-Ano ba, Luke." Pilit ko parin siyang tinutulak dahil hindi na ako makahinga sa ginagawa niya.

Hindi parin siya tumitigil sa paghalik sakin hanggang sa siya naman ang naubusan ng hininga. Lumipat naman sa leeg ko ang mga halik niya. Ito naman ang hinahalikan niya ng marahas ngayon. Magiiwan nanaman siya ng marka na mahirap alisin kinabukasan.

Kinuha na niya ang dalawang kamay ko at itinaas sa ibabaw ng ulo ko para mas lalong hindi ko magawa ang kumawala sa kanya.

"Let go of you, huh? NO. Mia. I will not do that. Nice try, baby." Sabay halik niya sa noo ko at iniwan akong magisa sa kama na magulo ang damit at isipan. Gustong gusto ko ng umalis sa poder ni Luke kaso hindi ko talaga magawa dahil malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya at higit sa lahat, natatakot ako sa kanya. Gobernador siya, wala akong laban sa kanya.

Narinig kong sumara ng malakas ang pintuan at nakitang wala si Luke kwarto. Malamang bumaba ito at nagpalamig. Madalas magalit sa akin si Luke pero iba yung ngayon. Akala ko masasaktan na niya ako sa galit niya.

Naiwan akong umiiyak ng tahimik sa kwarto dahil iniisip ko ang mga panahon na wala pang nagbabawal sakin gawin ang mga bagay na gusto kong gawin. Nung mga panahon na nakakapunta ako kahit saan ko gusto ng walang nagmamasid. Simula kasi nung dumating si Luke hindi ko na nagagawa iyon. Umikot ang mundo ko. Naging magulo at malungkot.

Dahan dahan akong tumayo sa kama dahil medyo masakit ang paraan ng pagkakahawak ni Luke sakin kanina. Binabawi ko parin ang paghinga ko dahil sa iyak na nagawa ko. Humarap ako sa salamin at inayos ko ang sarili ko.

Bumaba ako sa sala at dumiretso sa kusina nakita ko si Luke na nakaupo sa kitchen counter may alak sa tabi at naninigarilyo. Hindi parin ito nagbibihis ganoon parin ang suot niya.

Nakatingin lang ito ng malalim at matalim sakin habang papalapit ako sa kanya. Buo na ang desisyon ko. Hihingi ako ng tawad sa kanya at magpapaalam na sa Tita ko muna sa kabilang bayan tumuloy dahil hindi ko na kaya ang sakit; emosyonal at pisikal na dala niya sakin.

Nakarating ako sa harap niya habang siya ay nakaupo parin at patuloy sa paninigarilyo at paginom.

"Luke..." Tinantya ko muna ang timpla niya dahil ayaw ko nanaman na magalit siya.

"Luke... I'm sorry. Hindi na ako ulit sasali sa mga pageant at iiwasan ko na si Achillo kung ito ang magpapasaya sayo. Hindi ako makikipagusap o sasama man lang sa ibang lalake kung ito ay ikaliligaya mo." Walang kibo si Luke, nakatingin lang ito sakin.

"Pero pwede bang doon muna ako sa Tita ko tumuloy? Ayoko na dito, Luke. Hindi ko na kaya ang mga pagbabawal na ginagawa mo sakin. Hindi ko na kaya. Pakawalan mo na ako. Uuwi parin ako rito pero hindi ako rito matutulog. Gusto ko lang talagang magpahinga sa lahat Luke—"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng ihagis niya ang basong hawak niya sinunod din nito ang bote ng alak na iniinom niya. Napatingin ako kay Luke, sinasabunutan na nito ang sariling buhok. Namumula na rin ang kanyang leeg. Halatang nagpipigil ng galit.

"Luke..."

"NO. MIA. ILANG BESES KO BANG SASABIHIN NA HINDI KA MAKAKAALIS DITO? HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA UMALIS KA DITO MIA. TANGINA!!!" Sigaw niya at pumunta sa sala at sinipa ang babasagin na coffee table at nabasag ang lamesa at ang vase na nakapatong dito. Sinuntok din ni Luke ng paulit ulit ang pader habang sumisigaw ng malakas.

Gusto ko siyang lapitan kaso baka sakin ibaling ang galit niya kaya hinintay ko nalang siya kumalma.

Napaupo si Luke sa sahig habang humihikbi. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman dali dali akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harap niya.

"Luke... I'm sorry. Tumayo ka dyan please. Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan." Hindi parin siya tumatayo at nagsimula nanaman siyang suntok suntukin ang sahig.

"Luke... magkakasugat ka niyan eh. Tignan mo 'yang kamay mo. May dugo na. Please, stop Luke." Pero hindi parin siya nakikinig sakin patuloy parin siya sa pagsuntok sa sahig.

"Bawiin mo yung sinabi mo, Mia." Matigas na sabi niya.

"Luke, intindihin mo naman ako please... tao lang din ako. Nasasaktan. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa mo. Maghihiwalay lang tayo ng bahay. Ayoko na munang tumira dito."

"Saan ka titira? Doon sa bahay ng tita mo na squatter area?!" Galit na sabi niya. Tumayo ito at nagpatuloy sa pagakyat sa taas. Sa opisina niya. Hinabol ko siya kahit na nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha na patuloy na tumutulo.

"Luke! Kailangan ko naman huminga. Nasasakal na ako sayo. Lahat ng galaw ko alam moo. Lahat ng galaw ko kailangan nakareport sayo. Hindi naman ako laruan, Luke."

Nakarating na ako sa harap ng opisina niya. Nakita ko siyang nakaharap sa bintana.

Pumasok ako ng tuluyan sa opisina at patuloy sa paghingi ng permiso kay Luke na payagan akong tumira muna sa Tita ko. Hindi naman malayo ang bahay ng Tita ko rito pero ayaw niya parin pumayag.

Humarap na sakin si Luke at mas lalong dumilim ang pagtingin niya sakin.

"Subukan mong umalis Mia, makikita moa ng hinahanap mo." Sabay hila niya sa bewang ko at sinandal ako ng malakas sa pader at sabay hinalikan. Katumabas ng rahas ng paghalik niya kanina ang paraan ang paghalik niya ngayon. Pinipisil niya ang bewang ko kaya napapaaray ako dahil nararamdaman kong magkakapasa nanaman ito.

"Luke, kahit isang linggo lang. Magpapahinga muna ako—"

"TANGINA MIA. HINDI MO BA NAIINTINDIHAN NA HINDI PWEDE? HINDI KA PWEDENG UMALIS DAHIL PAANO NAMAN AKO? OO IKAW MAKAKAPAGPAHINGA KA PERO PAANO AKO? SA TINGIN MO MAKAKAHINGA AKO KAPAG WALA KA? ISIPIN MO NAMAN AKO, MIA." Sigaw niya at umalis na siya sa harap ko. Tumalikod ito sakin at dumiretso sa lamesa para kumuha ng sigarilyo.

"You keep me sane, Mia. Ikaw ang dahilan kung bakit ko ginagawa lahat ng ginagawa ko ngayon. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nag gobernador, Mia. Kasi gusto kong mas may mapatunayan pa ako sayo bago kita alukin ng kasal pero wala kang ginawa kundi pagselosin ako. Wala kang ginawa kundi wasakin ako."

"Luke, hindi ko sinabi na magustuhan mo ako! Hindi kita pinilit tandaan mo 'yan! Kung ako man ang dahilan ng pagiging gobernador mo hindi ko na kasalanan 'yon, Luke! Ikaw ang may gusto noon hindi ako! Ikaw!!!" Ganti kong sigaw.

"ENOUGH. STILL NO ONE'S GOING OUT."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinila niya ako para makapunta na kami sa kwarto. Tinulak niya ako sa kama kay anapaupo ako rito.

"Pagbalik ko at nakita kong wala ka dyan, papatayin ko ang Tita mo." Banta niya sakin at lumabas na.

Umiyak nalang ako, wala naman akong magagawa. Si Luke ang batas dito sa bahay at sa buong lalawigan. Hindi ko alam ang pwede niyang magawa dahil sa inis at galit niya sakin. Isang salita niya lang ay magkukumahog na ang kanyang mga tauhan para gawin ang inuutos ng kanilang amo.

'Wag kang sumuko, Mia. Malalampasan mo rin 'to. Makakawala ka rin dito. 

Governor's Girl [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now