Nagkuwentuhan muna ang dalawa ng ilang oras bago pa umalis si william. At dito'y sinimulan na ni anton ang malakihang pagtayo ng panibagong village.

1,500 construction
1,000 blacksmith
3,500 warrior
2,000 farmer & fishermen
2,000 non-professional

Lahat ng tao ay finocus ni anton sa construction, at namangha pa si anton dahil alam ng mga ito kung paano gumawa ng mga blocks at cement. Dahil sa nasa 12,000 na ang mamamayan ay fi na ito maaari pang matawag na village nagpasiya silang lahat na gawin na itong ganap na City o bayan. At nagpasiya si anton na tawagin itong 'Eleutheria City'.

Note: Ἐλευθερία (eleutheria) is the Greek word par excellence for "freedom" or "liberty" (the former is Germanic; the latter, Latin-based). Source: Wikipedia

Sumang ayon naman lahat sa naisip na bagong pangalan ng kanilang bayan, sinabi din ni anton ang kaniyang plano na ampunin at tulungan ang ibang village. Dahil dito ay naging mas masaya pa ang mga tao.

Nagpumilit si gotthin na gawan ng mansion si anton upang sumimbolo s akaniyang kapangyarihan bilang isang pinuno ng kanilang bayan, subalit ay tumanggi si anton at sinabi nalang na gumawa nalang ng City hall upang may maayos silang lugar na maaaring magamit sa kanilang pagpupulong.

Mabilis na natuto ang mga mamamayan ng kuroro kung papaano gumamit ng blocks at cement kaya naman mas napabilis ang kanilang pagtayo ng Eleutheria City. Nagdisisyob din si anton na gawing apartment style ang mga tahanan ng mga tao na may apat na bpalapag, para hindi takaw space.

Hindi pa tapos ang Eleutheria City pero dalawang buwan na ang nakakalipas kaya naman karamihan sa mga tahanan ay tapos ng itayo kaya naman nagpasiya na si anton isakatuparan ang kaniyang misyon at nagpatawag na siya ng pagpupulong.

"Para saan naman ang pagpupylong na ito sa pagkakataong ito?" Wika ni gotthin. "Marami pakong dapat tapusin.. nakakamangha ang semento kaya naman nais ko pa na mas matuto sa iba't ibang gamit nito.." dugtong ni gotthin, nang ituro ng mga alipin mula sa verssila kingdom ang pamamaraan ng semento ay si gotthin ang nangunguna  at uhaw na uhaw matuto.

"Una sa lahat nais kong batiin ang dalawang bagong myembro, si Juan mula sa verssila kingdom, bihasa siya sa pagtatanim at pag-aalaga ng hayop.. madami din siyang alam sa pangingisda kaya naman gagawin ko siyang pinuno na pinamumunuan ang mga bagay ukol sa pagkaen tulad ng pananim, alagang hayop at pangingisda.. si Pedro naman ay mula din sa verssila kingdom madami siyang alam tungkol sa minahan kaya tinalaga ko siya na pinuno ng mga minero.." wika ni anton.

"Di mo naman ata kami pinulong sa dahilan na yan tama ba?" Simangot na sinabi ni gotthin. "Bilisan mo na at gusto ko ng muli magtayo ng bahay gamit ang semento! Sinasayang mo lang ang oras ko!" Dugtong pa ni gotthin.

"Kaibigan.. masyado atang mainit ulo mo? Sayang yung alak ko sa bahay bagong dating galing verssila.." wika ni arthur biglang nanahimik si gotthin.

Muling nagsimulang magsalita si anton. "Sa katunayan nais kong atakihin ang goblin nest at patayin ang goblin king sa paraang ito maaari natin gamitin ito upang hikayatin ang ibang village.. ipapaalam natin ang balita na ito sa buong mundo at ang mga village na nagtatago sa gitna ng kagubatan ay magkaaroon ng lakas ng loob upang kusang lumapit saatin.."

"G-g-goblin king? Sigurado ka anton?" Wika ni arthur.

"Ano po bang mayroon sa goblin king?" Wika naman ni ellen na tila nagtataka sa reaksyon ni arthur.

"Wala pa akong nakakalaban na goblin king.. pero ayon sa mga libro ay makapangyarihan ang mga ito.. bukod na ilang beses silang malakas sa normal na goblin ay marunong din silang gumamit ng mahika.." wika ni arthur at naintindihan naman ni ellen ang ibigsabihin ni arhtur kaya naman tumayo ang mga balahibo ni ellen.

"Kaya naman di ko kayo pipilitin sumama sa pag-ataking ito.. ang mga gusto lang na sumama sakin at handang ibuwis ang kanilang buhay di ko kayo pipilitin .." wika ni anton..

Pinag-cross ni arthur ang kaniyang mga braso at pumikit bago sumagot.. "kung sa tingin mo ito ang nararapat ay wala na akong magagawa pa kundi ang sumama sayo.." wika ni arthur.

"S-s-sama dina ko! Kung saan ka man pumunta ay nais na lagi akong nanduon!" Wika ni ellen.

"Kung ganun ay wala ng problema pa.. ika dalawang araw mula ngayon ay aalis na tayo.. inutusan ko na si andrew na hanapin ang lungga ng mga goblin at di namab siya nabigo.." wika ni anton at tumuro sa mapa. "Sa lugar na ito.. sa isang lumang ruin.." dugtong pa ni anton.

At dito ay natalos na ang pagpupulonh subalit bago pa man makaalis si borav ay pinigilan ito ni anton.. "borav.."

"Anton?" Sagot ni borav at lumingon kay anton.

"Kilala mo ba ang Diyos na si Atlas?" Wika ni anton.

"Hmmmm" hinimas himas muna ni borav ang kaniyang mahabang balbas at umupong muli bago sumagot. "Sa loob ng mahabang panahon ay di ko akalain na maririnig kong muli ang pangalan na iyan.. Atlas ang Diyos ng kalangitan at Liwanag ang sumisimbolo sa pag-asa't simula.." wika ni borav at ngumiti habang hinihimas ang kaniyang balbas..

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Where stories live. Discover now