82

71 4 0
                                    

"ayoko pang umalis, kuya. sigurado naman akong ikaw din, eh. please? kausapin natin sina mama't papa tungkol dito!" paki-usap ko kay kuya. napabuntong-hininga na lang siya.

"sige, kakausapin ko sila." sinabi niya at tinapik yung likod ko bago kami bumaba. "mija, are you okay?" tanong ni Kuya Daehwi. "daebak, hyung! english yon ha!" tumawa kami ni Woojin. Hinawakan ko yung bewang nilang dalawa. "ano bang gagawin ko kung wala kayo sa tabi ko?"

"triangle, triangle, triangle~" narinig kong kumanta si Guanlin. "EY, SHIBA-GUAN!" tawag ko sa kanya. Ngumiti naman siya nang labas yung gilagid. bigla namang may sumulpot mula sa likod niya, si Seonho at Kuya Hyeongseop.

"boi, namumula yung dalawa! HAHAHAHA" nag-apiran silang tatlo at nakitawa na rin ako nang makita ko yung mga mukha nila. "hirap ba kapag dalawa mahal mo? hahaha!" tumawa nalang ako.

nag-labas si Seonho ng cellphone kaya ngumiti na ako at hinila yung dalawa sa tabi ko papalapit sa'kin. tumawa lalo yung tatlo. "wala na nabakla na yung dalawa sa kalokohan mo, meej!"

"ganyan talaga kapag crush nila maganda!" tumawa ako at tumigil silang lahat sa pagtawa. "punyeta, minsan talaga kailangan kontrolin yung pagka-siraulo ng batang to. manang mana kay Woojin-hyung, eh!" napakamot ng ulo si Kuya Hyungseop.

"maganda naman talaga si mija!" sinabi ng dalawang nasa tabi. eto naman akong si malandi, kilig na kilig. "Hoy, PARK MIJA! ISA-ISA LANG! jusgigo marimar ka talaga. Pulang-pula si gaga." inirapan ko na lang si Ate Doyeon. nasabi ko ba na close na rin ako sa pick me squad na mga babae?

mission impossible. ✔️Where stories live. Discover now