49

98 3 0
                                    

"salamat pala sa tulong mo kanina, muntikan na kong bumagsak sa recitation kanina." -woojin

"wala yon."

"tara sabay tayo kumain. Libre ko" sinabi niya at tumango ako.

nang makaupo na kaming dalawa ni woojin sa cafeteria, biglang nanlaki yung mata niya.

"oh, bakit ganyan yang itsura mo? may sunog ba? ano-"

"'wag kang lilingon." hinawakan niya yung mukha ko at sinabi niya yon.

"bakit ba? ano bang meron-"

"basta. 'wag kang lilingon."

"okay, fine. hindi na ko lilingon." sinabi ko at binitawan niya yung mukha ko.

dahil mukha siyang tanga kanina, at halos mamatay na ko sa sobrang curious,

"syempre joke lang yon baka mamaya pinagtitripan niyo na ko, eh."

lumingon ako.

"sabi ko 'wag, eh."

napuno ng luha yung mga mata ko nang makita kong magkasama si Kuya Daehwi at Somi.

ang saya saya ng mukha ni Kuya Daehwi na para bang kasama niya yung mahal niya.

hinawakan ni Somi yung kamay niya at nagtagal yon.

hanggang sa hindi na sila bumitaw.

hanggang sa nakita ako ni Kuya Daehwi.

Oo, nakita niya ako. Pero binalik ko na lang ang tingin ko kay woojin.

"huy, hala. wait lang 'wag kang iiyak. 'lika, dun tayo sa rooftop."

hinawakan niya ako at umakyat kami papunta sa rooftop.

umupo ako sa bench na nandun sa rooftop at dun na bumuhos yung mga luha ko.

"'wag ka nang umiyak. Nandito naman ako, eh."

"h-ha?"

"oh ano? patola ka naman. 'wag ka na kasing umiyak, pag may umakyat dito tapos nakita kang umiyak, ako sisisihin 'non."

mission impossible. ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon