71

98 3 0
                                    

"oh, na'san na si daehwi?" bulong ni Kuya Jisung.

"nandun, kasama si Somi. Sinabihan ko na lang si Somi na dalhin siya dito."

tinignan nila ako at tumango na lang.

"oh! nag-text na si Somi! papunta na daw sila!" sigaw ni Kuya Ong.

nagmadali naman kaming tumayo ng maayos at hinintay si Kuya Daehwi.

"Saeng-il chukhahamnida~ saeng-il chukhahamnida, saranghaneun Lee Daehwi~ saeng-il chukhahamnida~"

"Wow! Thank you guys!" masayang pasasalamat ni Kuya Daehwi. "sinong nagdecorate ng place? Horror House sa labas, pero mukha siyang Neverland sa loob, ang ganda!"

"ah, hahaha.. Si Mija." masayang sagot ni Ate Mina. Hindi ko sila kinibo at tinignan ko lang sila.

"Thank you, meej." ngumiti si Kuya Daehwi sa akin. Nginitian ko lang siya ng tipid. Hindi ako kinikilig. HiNdI AkO kInIKiLiG!!!1!1

"Ayan kasi ayaw pa mag-aminan, eh." -Daniel

"ang kulit eh, no?"-pwoojin

"yung isa pakipot, yung isa late reaction.. Ay nako!" -Jisung

"kailan ba matatapos yung kadramahan nila? bwiset!" -Jihoon

"ehem." umakto akong umubo para matahimik sila. Tinignan ko si Ate Somi at nakangiti na lang. Nasasaktan na ba siya? o hindi? Hindi ko mabasa yung mukha niya, eh.

Tinignan niya ako at lumapit sa akin. "sa'yo na si Daehwi." Lumayo siya mula sa tenga ko at ngumiti. Napangiti naman ako ng malapad at niyakap si Somi.

"Sorry sa lahat, tatawagin na kitang Ate Somi!" bulong ko sa kanya. hinawakan niya lang yung ulo ko at natawa sa akin. "sorry din."

tinignan namin sila at kumakain na pala sila. Kumuha kami ng pagkain namin at hinayaan ako ni Ate Somi na tumabi kay Kuya Daehwi.

Nasa tabi siya ngayon ni woojin. "Hi, woojin!" binati siya ni Ate Somi at nginitian siya ni Woojin.

"Hi, Mija." narinig kong may bumulong sa tenga ko kaya napatingin ako sa tabi ko. Nakatingin na sa akin si Kuya Daehwi.

"Hi, Kuya Daehwi." nginitian ko siya at nagpatuloy akong kumain.

"ehem. Mission impossible: complete na ba?" -Mina

Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Ate Mina. Tinignan ko lang siya ng masama at inalog yung ulo ko.

"Ay hindi pa ba?" -Mina. Tumawa sila pero since hindi gets ni Kuya Daehwi, tumingin lang siya.

"Anong mission?"

"Wala!! Sige, kumain lang kayo diyan!" sigaw nilang lahat.

matapos naming kumain, yung iba, nag-rides na at kaming dalawa na lang yung iniwan dito. Kaming dalawa ni Kuya Daehwi.

"Mija?"

"Po?"

"may sasabihin ako sa'yo."

"mula kanina, parang nilalayuan ako ni Somi. bakit kaya?"

"Ah! K-Kuya, wala akong kinalaman d-diyan ah!"

"wala naman akong sinabi. hahaha!"

natahimik na lang kaming dalawa dahil hindi na namin alam kung anong pag-uusapan.

uminom na lang ako ng tubig sa gitna ng katahimikan

"gusto kita."

sa sobrang gulat ko nabuga ko yung tubig na nasa bibig ko. naubo ako dahil doon dahilan ng paglapit sa akin ni Kuya Daehwi.

"Okay ka lang? Sorry kung nagulat kita."

Jusme, Kuya Daehwi! Bakit ganito ka? Huhu, kabadong kabado na ko dito!

"So..Ano nga?" tanong niya sa akin."Anong ano?"

"Anong sagot mo?"

"wala ka namang tinanong?"

"bahala ka diyan, iiwanan kita dito." sinabi niya at umaktong lalabas ng Horror House. Tumakbo ako at hinila yung kamay niya. "Joke lang yun! Hehe. Kasi ang sagot ko...."

tinignan ko siya at binitawan yung kamay niya. "Paano mo ko nagustuhan?"

"Ah..Matagal na kitang gusto. Kaso dahil nagpapakatanga ako kay Somi 'nun, edi hindi ko pa alam. Sorry kung nagpanggap pa akong bakla para hindi mo na sisihin si Somi kung bakit hindi kita gusto 'nun." tinignan ko lang siya. Tumingin lang din siya sa akin at ngumiti.

"Sorry din kung na-pressure ka sa kakulitan ko." sinabi ko sa kanya at tumango siya.

"may feelings ka pa ba para sa akin?"

"Gusto kita. Gustong gusto, matagal na."

ngumiti siya ng malapad at lumapit sa akin. Niyakap niya ako. Teka, sandali-

NIYAKAP NIYA AKO?

nataranta ako at hindi ako makagalaw. Wala akong nagawa kundi yakapin din siya. "I love you. I love you."

"I love you too."

mission impossible. ✔️Where stories live. Discover now