77

82 3 0
                                    

"oh tignan niyo, iiwan niyo rin kami!" pagmamaktol nanaman ng dalawa nang matapos kaming kumain.

yung iba tumayo na, pero kaming tatlo, di namin sila iniwan.

"buti pa 'tong tatlong 'to, di nang-iiwan." sinabi ni hyeongseop bago kumagat sa pizza niya. "wala, kinalimutan na tayo ni Yoojung-noona." nguso ni Seonho.

Kumuha ako ng isang slice ng pizza. "nagtext sila Ong-hyung, nandun lang daw sila sa arcade." matamlay na sinabi ni Woojin.

"Oy Jin, matanong nga. Bakit bigla kang naging cold? Ang weird mo. Meron ka ba ngayon?" pagbibiro ko kay Woojin. Napatingin lang yung iba sa amin. Tinignan niya lang din ako, "Wala."

"ah, dahil ba nililigawan na ni Kuya Daniel si Ate Sejeong? Hindi na ka niya nasasamahan?" tanong ko ulit, umiling naman siya. "hindi. Ako nga nagsabing ligawan niya si Noona."

"eh bakit nga ba kasi ganyan ka?" pag-aalala ko. Umalis naman yung tatlo, hinayaan ko na lang sila kasi alam naman na namin kung saan pupunta.

"gusto mong malaman kung bakit?" inis na tanong niya. "oo!" sumandal siya. "paki mo ba?" "paki pa rin." napalitan naman ng inis yung ekspresyon niya sa mukha. "hindi, seryoso na, bakit?"

"Mija, gusto kita! gustong gusto kita!" inis na sinabi niya. "eh yun lang pala! bakit hindi mo sinabi sa akin agad? Alam mo namang-" napatigil ako sa sasabihin ko nang maisip kong hindi pala niya pwedeng sabihin sa akin kasi nandiyan si Kuya Daehwi.

"sorry."

"sorry sa lahat, jin."

"alam ko. alam kong gusto mo ko."

"dati pa."

mission impossible. ✔️Where stories live. Discover now