83

62 4 0
                                    

dahil sabado ngayon, natural walang pasok diba? so naisipan kong gumala-gala lang sa park.

habang naglalakad ako may nakasalubong akong asong itim na may kasamang batang babae. mukhang nawawala sila. "hello, nawawala ba kayo?" tinanong ko sa bata.

tumungo yung bata at hinawakan ko yung kamay niya habang hawak ko naman yung leash nung asong kasama niya. "rowoon-ah!" narinig kong sigaw ng isang lalaki. bigla namang lumingon yung batang hawak ko at napatigil din yung aso sa paglalakad.

wala naman akong nakitang lalaki sa harap namin, kundi isang babaeng matangkad na nakatingin sa amin, "siya po ba hinahanap niyo?" tinanong ko dun sa babae. "ah, oo. thank you sa pagbantay sa kanila ni Loco." nagulat ako ng marinig ko yung boses niya.

long hair, matangkad.. pero boses lalaki! babae ba 'to o lalaki? "tanga, lalaki yan." bigla naman akong binatukan kaya lumingon ako at nakita ko si kuya. tumawa naman yung nasa harap namin.

"rowoon-ah, kaja!" sumama naman yung batang hawak ko dun sa lalaki. kinuha niya na rin yung asong hawak ko. "salamat, woojin!"

"sige, hyung! ingat!" -kuya woojin

"kuya, sino yon?" tanong ko sa kanya. "jang moon bok, anak ng rapper yung inaalagaan niyang bata." napatungo na lang ako at naglakad kasama si kuya.

"naiiyak ka ba?"

mission impossible. ✔️Where stories live. Discover now