78

86 2 0
                                    

"kung alam mo naman pala, eh bakit hindi mo sinabi?"

"kasi hindi ako sigurado."

"paano mo ba nalaman?"

«flashback»

2 years ago. grade 6 kami ni woojin.
sinabi ko sa kanyang first love ko siya.
wala siyang ibang nasabi kundi "ah."

oo, nasaktan ako. alam kong alam niya yung nararamdaman ko. alam ko ring natatakot lang siya. pero wala, eh.
sa huli, ako rin ang hindi nagsukli ng pagmamahal.

"bakit ngayon ka lang nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin yan matapos ang dalawang taon, woojin?"

matamlay na tanong ko.

"ah.. hindi ko alam.. takot lang talaga siguro ako. Kasi bata pa tayo nun, e. Hindi ko rin naman kasi aakalaing nagbabago pala yung nararamdaman mo sa akin. first love din kita, meej. Alam natin ang mga nararamdaman natin kahit hindi natin sabihin sa isa't isa. Meej, tanggap ko na. Sana maging masaya ka kasama si Kuya."

matapos niyang sabihin yon, ay lumapit siya sa akin para yakapin ako. "saglit lang. 10 minutes lang, please. Payakap lang kahit saglit. Hindi ko na 'to pwedeng gawin ng walang paalam sa susunod."

naiwan ako dun na walang imik. hinayaan ko na lang siyang yakapin ako. "sorry, kasalanan pala ang magmahal ng taong hindi na ako kayang mahalin muli."

"hindi mo kasalanan, jin. Sorry din dahil nasaktan kita." nanatili siyang tahimik ng ilang segundo at narinig kong sumisinghot na siya. umiiyak ba siya?

"teka lang, jin. Kukuha ako tissue-"

"w-wag na. okay lang. wag mong sayangin yung sampung minuto, please."

"thank you, meej. Kasi hanggang ngayon kahit sa ganitong sitwasyon nandyan ka pa rin para sa akin. salamat sa lahat, bes."

mission impossible. ✔️Where stories live. Discover now