81

62 4 0
                                    

"saan pa ba pwedeng mahanap si mija?" sinabi ni mina. nagsimula na kaming maglakad pababa pero biglang lumiwanag mula sa likod ko. lumingon kaming tatlo at nakita si mija na umiiyak.

"kuya, sorry.." sinabi ni mija kay woojin-hyung. agad namang tumakbo si woojin-hyung palapit sa kanya at niyakap siya. "mija, ano bang nangyari sa'yo? bakit bigla kang nawala?"

park mija

"ano bang nangyari sa'yo? bakit bigla kang nawala?" pag-aalala ni kuya. "sorry.."

tumingin ako sa likod namin, "jin, labas ka na diyan." nakarinig kami ng tunog ng paa at nakita namin si woojin. "bakit... kayo magkasama?" tanong ni kuya daehwi.

"ako yata may kasalanan.. sorry." kabadong pagpapaliwanag ni ate mina. "bakit?" tanong ni kuya. "sinabi ko kasi sa kanya na mamili sa kanilang dalawa, kung sino yung dapat para sa kanya."

"hindi, ate. okay lang yon, wala ka namang ginawang masama. ang totoo kasi niyan, narinig ko yung usapan ni mama tsaka ni kuya kagabi."

"totoo ba yun, kuya?"

flashback
pagkatapos naming kumain at maglinis, umupo si kuya sa sofa. hindi naman nakabukas yung tv at kanina niya pa hawak yung cellphone niya na para bang nay inaabangan si kuya na dumating.

umakyat na ko papunta sa kwarto ko at natulog nalang.

nagising ako nang marinig ko yung pintuan na sinara ni kuya mula sa baba. lumabas ako at sumilip mula sa hagdan. si mama?

"ma, ano yung gusto mong sabihin? bumiyahe ka pa, pwede mo naman kaming tawagan."

"nak, kailangan niyo nang umuwi sa busan. dun ko na kayo paa-aralin at bubuhayin. hiwalay na kami ng papa mo, kailangan niyo nang umalis dito sa bahay niyo kasi ibebenta niya na to."

---

"kuya, totoo bang aalis na tayo?"

mission impossible. ✔️Where stories live. Discover now