51

109 4 1
                                    

lee woojin

"bakit mo 'to sinasabi sa akin ngayon? kapatid?"

"Gusto kong alagaan mo si Mija. Mahal ka niya, hyung."

"eh bakit hindi ikaw ang manligaw sa kanya? Ikaw naman ang nakakaalam ng feelings niya."

"Ikaw ang gusto niya. Ano pa bang magagawa ko kung ang taong mahal ko eh mahal yung kapatid ko?"

"mahal ko ba siya?"

"bakit mo tinatanong sa akin yan, hyung? ikaw lang ang makakasagot niyan. Kung pwede ngang ako ang masusunod, edi sana masaya na ako. Pero kahit papaano alam ko kung kanino siya liligaya. Kaya sa'yo na siya."

"alam mong kami na ni somi."

"alam kong kayo na pero mahal ka ba niya? Laruan ka lang niya, umiyak ka ng napakaraming beses dahil sa kanya. Nagkunwari ka pang bakla kay Mija."

"eh anong gusto mo? diretsahin ko siya? Na ang lalaking gusto niya nagpapalaro sa isang babae? Bata pa si Mija, ayokong makaranas siya ng kung ano-ano sa ganyang edad."

"Eh nakaranas naman na siya.."

"kanino?"

"sa akin."

mission impossible. ✔️Where stories live. Discover now