Kabanata 40

3.3K 131 43
                                    


Kabanata 40:



"Dahil buhay mo ang manganganib sa oras na malaman nilang mag-asawa na tayong dalawa."


Naguluhan ako sa sinabi ni Gabriel. "H-Hindi kita maintindihan."


Napa-facepalm si Gabriel. "Si Corazon, siya ang nagbabanta sa buhay mo. Sinabi niya sa akin iyon at patuloy niyang pagbabantaan ang buhay mo hangga't hindi kami nakakasal."


"B-Bumalik tayo sa Aclan. Hindi naman niya alam na nandoon tayo."


"Keira, alam niya kung nasaan ka. Mabuting matali ako sa kanya kaysa masaktan niya kayong mag-ina."


Tumulo ang luha sa pisngi ko. Isang baliw si Corazon. Obsess siya kay Gabriel. "Hindi pwede 'yon, Gabriel. Bakit kailangan mangyari ito?"


Mahigpit akong niyakap ni Gabriel. "Aking mahal, gagawin ko ang lahat para maprotektahan kayo. Kung kinailangan pakasalan si Corazon ay gagawin ko para sa inyo." Umiling ako. Hindi ito makatarungan. Sobra akong nasasaktan ngayon. "Sa araw ng kasal namin ay kailangan mo nang bumalik sa Aclan para sa iyong kaligtasan. Sa tuwing pangalawang linggo ng buwan ay pupuntahan kita doon."


"Gabriel, ayokong mawalay ka sa akin."


Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. "Kailangan, aking mahal, para sa kaligtasan ninyo ng anak natin. Kung sakaling bumalik ka sa panahon mo ay huwag kang babalik pa dito. Doon sa panahon mo ay tiyak akong walang magtatangka sa buhay ninyo."


Umiling ako. Hindi ko kayang gawin ang gusto ni Gabriel. "H-Hindi, Gabriel. Huwag kang ganyan. Hindi ko magagawa 'yon. Kailangan ka namin."


"Keira, aking mahal, tandaan mo na ikaw lang ang aking iibigin. Sa oras na kinasal ako kay Corazon, ikaw pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko at dala-dala mo iyon pagbalik sa Aclan." At muli'y niyakap niya ako.


-----


"Talaga bang nais mong ikaw ang tumugtog sa araw ng kasal nila Gabriel?"


Tumango ako bilang sagot sa tanong ni ina Lucita at patuloy ako sa pagtipa sa pyano ng piyesa Bridal Chorus ni Wagner. Gusto kong makita si Gabriel bago ako umalis pabalik sa Aclan. Alam kong mahihirapan siyang makabalik doon at baka nga hindi na. Kahit sa isang sulyap lang mula sa kanya.


"Hija, magpahinga ka na. Kanina ka pa nandyan sa harap ng pyano, nagsasanay ng piyesang gagamitin mo para sa kasal na iyon."


"Ina, gusto ko ay perpekto ang pagtugtog ko ng pyano dahil iyon na ang huling araw na magtutugtog ako ng pyano." Tumulo ang luha sa pisngi ko.


"Anak..."


"Ina, sige na po. Magpahinga o magbasa na lang po kayo ng libro. Kaya ko na po ang sarili ko." Napapikit ako dahil namali ako ng pindot. Inulit ko sa umpisa ang tinutugtog ko.

It Started At 7:45Where stories live. Discover now