Kabanata 26

3.5K 156 14
                                    


Kabanata 26:



"Aking mahal, maari bang iwan muna kita dito kahit sandali lang bago tayo umalis? May kailangan lang akong kausapin. Tungkol sa negosyo ang pag-uusapan namin."


Ngumiti ako sabay tango. Pagbigyan ko na lang si Gabriel, baka kasi mahalagang pag-usapan kaagad kung sino man 'yang kakausapin niya. Ngumiti si Gabriel at hinalikan niya ako sa noo kaya lalo akong napangiti. Napaka-sweet na lalaki.


"Babalik ako kaagad." At nagmamadaling umalis si Gabriel. Halatang gusto nang makausap kaagad ang taong kakausapin upang makabalik kaagad siya dito.


Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Dumako ang paningin ko sa langit. Kay ganda talaga ng mga bituing kumikislap sa langit. Kay sarap hawakan kung maari lang. Kung nasa present time ako ay paswertihan na lang na makakita ng ng bituin dahil nahaharangan ito ng mga usok galing sa mga factory, kotse at iba pa. Napakadumi na ng Pilipinas kaysa dito na napakalinis at walang makikitang dumi o kalat sa daanan.


"Maganda na sana ang salu-salong ito kung wala ang malas rito."


Napalingon ako sa taong nagsalita. Sumama na naman ang aking timpla. "Are you referring to yourself este sinasabihan mo ba ang sarili mo? Ikaw lang naman kasi ang alam ko ditong malas." Mataray kong tanong sa kanya with matching taas ng kilay. Napa-english pa tuloy ako ng wala sa oras dahil sa babaeng ito. Triggered niya ako ah.


"Hah! Hindi ko mawari kung bakit ka nandito, ni hindi ka nga ganoon kakilala ng pinsan ko. Ang isang tulad mong malas ay dapat wala rito dahil baka malasin si Felix. Ang lakas rin ng loob mong magsaya pagkatapos mamatay ng isang tao nang dahil sa iyo." Lumapit pa siya sa akin. "Naaawa ako sa kaluluwa niya. Ay! Bakit ba ako maawa sa isang indio? Nararapat lang naman iyon sa kanya pero mas masaya kung namatay ka rin." Tumawa pa ito ng mahina.


Kumuyom ang aking mga kamay aa sobrang galit sa kanya. "Ang kapal ng mukha mong sabihin iyon, hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko noong nawala ang taong tinuring kong ate." Gusto kong sampalin ang babaeng ito. Sobrang kumukulo ang dugo ko subalit hindi ko ilelebel ang aking sarili sa katulad niyang babaeng mukhang walang pinag-aralan. "Bago mo sabihin ang ganoong bagay ay tingnan mo ang sarili mo sa salamin.Makaasta ka'y akala mo ay isa kang diyosa. Hindi ka perpektong tao para sabihing nararapat lang siyang mamatay. Vergüenza."


Aalis na dapat ako sa pwesto ko nang hinawakan ako ni Corazon sa braso at sobrang higpit iyon. "Lahat gagawin ko para masira ang relasyon niyo. Iaalis ko sa landas ko ang hahadlang para mapasaakin siya. Kung kailangang mamatay ka ay gagawin ko iyon." Halos pabulong niyang sabi sa akin.


Isa siya sa mga nagtatangka sa buhay ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Estás loco."


Nanlisik ang mata ni Corazon. "Akin lang si Gabriel, tandaan mo 'yan!"


"Isa kang hibang!" Hindi ko na natiis na tumaas ang aking boses kaya napatingin ang ibang bisita sa akin. Iniwan ko na si Corazon at eksakto namang papunta na rin sa amin si Gabriel kaya sumunod na siya sa akin.

It Started At 7:45Where stories live. Discover now