Kabanata 19

3.8K 213 11
                                    


Kabanata 19:



Pagdilat ko ay wala si Gabriel at Ma'am Glenda. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Wala ako sa Hacienda Irabon. Nasa loob ako ng isang mall. "Nasa present na ulit ako." Nagsisitinginan sa akin ang mga tao dahil na siguro sa suot kong damit. Naglakad-lakad ako. Wala akong pakialam kung naku-curious sila sa suot ko.


"News flash, until now the daughter of business man Aivan Silvano and famous archaeologist Kelly Silvano is still missing. According sa PNP ay si Keira Silvano ay biktima muli ng kidnapping..."


Iyon pala ang iniisip nila mommy. Na nakidnap ulit ako. Malamang 'yun talaga ang iisipin nila talaga. Bumuntong hininga ako. I know nag-aalala na sila mommy at daddy but I want to go back in the past time. Feeling ko kasi belong talaga ako doon.


"Another case of kidnapping, Celestine De Joseph ay isang linggo nang nawawala at na-kidnap rin. Nakita sa isang CCTV camera ang pagdakip sa kanya ng isang white van..."


"Kilala ko siya ah. Nagtatrabaho sa publishing company 'yan ni daddy." Napailing na lang ako. Kuwawa naman si ate o baka mamaya may kuwintas rin si ate na katulad sa akin pero obvious na kinidnap siya. Kumibit balikat na lang ako. Naglakad na ako ulit. For sure may shop dito ang publishing company ni daddy. Makikitawag ako doon.


Some people taking picture on me. Siguro dahil sa ayos ko. For sure magiging trending ako nito sa social media. Saan ka naman nakakita ng taong magmu-mall lang tapos nakasuot ng pang-Maria Clara? Sana in the future, magsusuot ulit ang mga Pilipino ng barong tagalog at baro't saya. Hay ang saya nun.


Napangiti ako nang makita ko ang Amore Bookstore. Agad akong pumasok at sumalubong sa akin ang amoy ng mga bagong libro. Ngumiti ako sa mga tao sa loob at naglakad papuntang counter. "Uhm, Hi!" Bati ko sa babaeng cashier. Napanganga ang babae at parang namukhaan niya ako kaya nag-sign ako sa kanya na huwag maingay. "Makikitawag lang sana ako kina mommy at daddy, pwede ba?"


Tumango kaagad ang babae at inabot niya sa akin ang telepono. "Ma'am kayo po ang anak ni sir Aivan, 'di ba?"


Tumango ako at nag-signna huwag magsalita tungkol sa akin. Agad kong pinindot ang number ni mommy sa office niya. Napakagat labi ako dahil hindi sinasagot ni mommy ang tawag ko. "C'mon mom! Answer it." Nakahinga ako nang may sumagot sa kabilang linya. "Hi! Mom!"


"Keira? Ikaw ba 'yan, anak?"


Napangiti ako. "Ako nga mommy."


"Where are you hija? Okay ka lang ba? Pupuntahan kita. Matutuwa ang daddy mo kapag nalaman niya na makakabalik ka na."


Napailing ako na para bang nasa harapan ko si mommy. "No mom. Hindi niyo na kailangan na malaman kung nasaan o saan ako pupunta." Huminga ako ng malalim. "Uhm, I just want to say to you mom that I'm okay." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko.


"What are you talking about, Keira?"


It Started At 7:45Where stories live. Discover now