Kabanata 34

3.4K 145 9
                                    


Kabanata 34:



"Binibini, ikakasal na po kayo mamaya."


Ngumiti ako. Pinatong ni Crisanta sa ulo ko ang isang mahabang puting belo. May pinatong siyang mala-koronang bulaklak sa ulo. Feeling ko tuloy goddess of forest ako. Mala-Maria Makiling ang peg. Nakasuot rin ako ng all white traje de mestiza. Ang ganda ng pagkaburda ng disenyong bulaklak sa suot kong damit. Hindi ko alam kung kanino hiniram o saan nabili itong damit na suot ko basta gandang-ganda ako dito.


"Tapos magkakapamilya ka na. Darating din ang araw na aalis na kayo dito dahil nandoon sa San Carlos ang tunay ninyong tahanan. Iiwan mo na ako. Mawawala na ang binibining tinuring kong parang kapatid."


Tumawa ako ng mahina. "Ano ka ba? Huwag ka nga mag-isip ng ganyan. Dapat masaya lang."


"Binibini... Hala! Hindi na binibini ang itatawag ko sa iyo dahil ikakasal ka na. Binibini—"


"Keira na lamang ang itawag mo sa akin. Isa ka na sa mga matalik kong kaibigan kaya itawag mo na lang ako sa aking pangalan." Hinawakan ko ang kamay niya. "Salamat sa pagtulong sa akin."


"Naku, binibini, wala po iyon." May tumulong luha sa pisngi niya na agad naman niyang pinunasan. "Kailangan mo nang pumunta sa simbahan, binibini. Kanina pa naghihintay ang karwahe sa atin." Inabot niya sa akin ang isang bungkos ng puting rosas.


Tumango ako at sabay kaming lumabas sa kubo. Ang ganda ng karwaheng naghihintay sa amin. Feels ko tuloy isa akong princess na papunta sa castle ng prince charming ko. Inalalayan ako ni Crisantang sumakay at sumunod naman siya sa akin.


"Binibini, kay ganda ninyo ngayon. Para po kayong prinsesa."


Namula ang cheeks ko. "H-Hindi naman." Pa-humble kong sabi. Syempre dapat magpa-humble. Kapag sinabi kong alam kong maganda ako baka isipin ni Crisanta na ang hangin ko kaya isasarili ko na lang ang pagpuri ko sa sarili ko.


Mayamaya ay umandar na ang karwahe, siguro wala pang limang minuto ang binyahe namin dahil malapit lang sa simbahan ang tinitirhan kong kubo. Agad bumaba si Crisanta at inalalayan niya akong bumaba. Pumasok siya sa loob para ipaalam na nandito na kami. Pagkaraan ng ilang minutong pumasok sa loob ng simbahan si Crisanta ay tumunog ang kampana ng simbahan. Hudyat na may magaganap na pag-iisang dibdib sa loob ng tahanan ng Diyos. Isinara ng dalawang binatilyo ang pintuan. Huminga ako ng malalim.


Kinakabahan ako. Paano kung bigla akong madapa habang naglalakad sa gitna ng aisle? Hala huwag nama sanang mangyari 'yon baka mapaano si baby. Paano kung bigla akong mag-english o kumanta ng nanay tatay rap version? Nakakahiya 'yun! Parang bumabaliktad ang sikmura ko. "Baby, huwag ka namang excited dyan, mag-behave ka naman d'yan sa tummy ko. Dinaig mo pa ako, eh." Napahawak pa ako sa tiyan ko. Gusto ko na umuwi. Sobra akong kinakabahan. Ito ba ang sinasabi nilang wedding jitters? Grabeng wedding jitters naman ito.


Narinig ko ang tunog ng pyano. Hudyat na mag-uumpisa na ang seremonyas ng kasal. Mayamaya ay bumukas na ang pintuan. Nag-umpisa na akong maglakad sa aisle. Napalitan ang kaba ko ng saya lalo na't nakita ko si Gabriel na nakatayo sa dulo nitong nilalakaran ko at abot tenga ang ngiti na kulang na lang sabihin niya na I'm the happiest man in the world kung sakaling marunong siya magsalita ng wikang Ingles. Napangiti ako at tumulo ang luha sa pisngi ko. Tears of joy ito. Hindi ko naman aakalain na aabot na talaga kami ni Gabriel sa kasalan.

It Started At 7:45Where stories live. Discover now