Kabanata 23

3.8K 166 13
                                    


Kabanata 23:


"Tama na, Gabriel! Wala na tayong magagawa pa. Kahit anong gawin natin ay hindi natin masisira ang kuwintas ng nakaraan. Babalik at babalik ako sa panahon ko kahit pareho nating ayaw mangyari iyon." Naluluhang sabi ko sa kanya. Walang pag-asang masira ang kuwintas. Natatakot ako na darating ang araw na hindi na ako makabalik sa panahong ito.


"Ngunit kailangan nating gawin ang lahat para masira ito." Sinubukan niya ulit sirain ang kuwintas. "Bakit ba ayaw nito masira?"


"Hindi na natin masisira iyan, Gabriel." Kinuha ko na sa kanya ang martilyo at ipinatong iyon sa mesa. "Tama na."


"Paano kung makabalik ka muli sa inyo at hindi ka na makabalik dito? Masisiraan ako ng bait nun, Keira. Hindi ko kakayanin na mawala ka."


Mapait akong ngumiti. "Mapaglaro talaga ang tadhana dahil tayo ang pinili niyang paglaruan." Huminga ako ng malalim.


Hinawakan niya ang aking kamay. "Hindi man natin alam kung anong mangyayari sa susunod na oras, araw, buwan at taon." Kinuha ni Gabriel ang kuwintas sa mesa at marahang isinuot sa akin ito. "Ang mahalaga ay ngayon at ang mayroon ngayon..." Hinalikan niya ako sa ulo. "...At ang magkasama tayong dalawa."


Ngumiti ako at tumango. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi ko.


"Bakit ka umiiyak, Keira?" Sabay kaming napatingin sa pintuan ng likod-bahay nila Gabriel. Si Anastasia. "Nag-away ba kayo?"


Umiling ako. "Hindi."


"Bakit ka umiiyak? Sinasabi ko sa iyo, Keira. Na kapag ikaw ay sinaktan ni kuya, ako ang makakaharap niya."


Muli akong umiling. "Pinakita ko lamang kay aGabriel na isa sa mga talento ko ang pag-arte, hindi ba Gabriel?"


Tumango si Gabriel. "Kung nakita mo lang Anastasia kung paano siya umarte ay maaari na siyang gumanap sa mga palabas sa bayan natin."


"Talaga ba? Gusto ko rin makita!"


Hinawakan ni Gabriel ang kanang kamay ko. "Sa susunod na lamang, Anastasia. Malapit na mag-alas cinco at dapat na umuwi ni Keira. Para na rin makapagpahinga siya."


"Dito na lang siya matulog kung ganoon."


"Anastasia!"


Sumimangot si Anastasia. "Ang sama mo talaga kuya sa akin." Naglakad na ito papasok sa loob at malakas na sinara ang pintuan.


Natawa na lang kami ni Gabriel. Mukhang nagtatampo na si Anastasia sa kuya niya. Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Medyo malayo ang likod-bahay nila sa main door. Mansion naman kasi itong bahay nila hindi katulad ng bahay ni ina na tama lamang ang laki.

It Started At 7:45Where stories live. Discover now