Kabanata 3

7.4K 353 89
                                    


Kabanata 3:



"Sino 'yan?"


My heart beats fast sa super kaba ko. Dahan dahan akong lumayo sa pwesto ko.


"Huli ka!" Impit akong napatili nang may humawak sa shoulder ko sabay hila sa akin papunta sa mga lalaki. "May kasama palang binibini si Señorito Gabriel." Then tinulak ako ng lalaki kaya napasubsob ako sa tabi ng lalaking kanina pa ata nila binubugbog.


"Ouch!" I really hate if someone push me. Kahit sino naman hindi matutuwa kapag tinulak lalo na kapag nasubsob ka pa.


"Napakaganda naman ng binibining kasama mo." At nagtawanan ang tatlong tukmol. Siguro naka-drugs sila kaya napag-trip-an nila si Kuyang katabi ko.


Tumayo si Kuyang katabi ko kahit hirap na hirap na siya. "Hayaan niyo nang makaalis ang binibini. Huwag niyo siyang idamay sa galit niyo sa akin."


"Sa tingin mo'y papayag kami sa gusto mo, SeñoritoGabriel?" Nagkatinginan 'yong tatlo sabay tawanan ulit.


Wait a minute again! Don't tell me damay ako sa trip nila sa lalaki? So trip din nila ako? Oh no! I'm doomed! This cant be!


"Sa tingin ko'y dapat lamang na patayin na natin ang lalaking ito."


"Tama!" At sinuntok nila si Gabriel ata 'yon.


At syempre napatili naman ako kasi natumba sa harapan ko si Gabriel. Muntik na kaya sa akin bumagsak si Gabriel. Aba that's not a good idea kapag sa'kin natumba ito. Nanggigil rin ako kasi iba tingin nila sa akin. Malagkit kaya tingin nila sa akin! Tumayo ako. "Alam niyo bang masamang tingnan ng ganyan ang isang babae?" Naiinis kong tanong sa kanila.


"Aba! Isang palaban na binibini ang kasintahan ni Señorito Gabriel!"


Sinamaan ko sila ng tingin. Gingigil talaga nila ako. Tumayo ulit si Gabriel and he's trying to protect me. "Dito ka lang sa likuran ko binibini. Gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan kita." Napabuntong hininga naman ako. Like duh! He's trying to protect me pero in reality hindi naman. Super bugbog na kaya ang whole body niya.


"Hey mister-"


"Binibini kapag bumilang ako ng tatlo, ika'y tumakbo na." Bulong niya sa akin. Wait a minute did he just want me to escape? "Uno... Dos..." No! Hindi ako papaya na tatakas lang ako tapos siya mamatay na lang because he protect me. No way. "Tres-"


Tinulak ko si Gabriel at binigyan ng isang napakalakas na suntok ang lalaking tinulak ako kanina. "Ayoko sa lahat malakas mang-trip ng tao!" Sigaw ko sa kanila.


Puno naman ng pagtataka 'yung mukha ng dalawang tukmol na nambugbog kay Gabriel. Galit naman ang makikita sa mukha ng sinuntok ko. I'm gladly to say that he have a black eye! "Isa kang lapastangan!"


Napa-eye roll naman ako. Sabihan pa naman akong lapastangan. Hindi lang nila alam na black belter ako sa taekwondo. Inangat ko ang suot kong saya para naman makakilos ako ng maayos at binigyan ng isang sipa 'yung lalaking gusto na patayin si Gabriel. "Super G na G ako sa inyo!" Dahil feel ko rin na G na G rin sila sa akin, sinugod na nila ako. Aba mga napaka-gentledog nila. Mapagpatol talaga sa babae! Boys nowadays. Imagine 1 versus 3. Lugi ako! Buti na lang may kaunting genes ako ng Strong Woman na kdrama ata 'yun kaya malakas ako!

It Started At 7:45Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang