Kabanata 33

3.4K 145 10
                                    


Kabanata 33:



Unti-unti kong idinilat ang aking mata. Bumungad sa akin ang isang kulay kayumangging kahoy. Naramdaman ko na may nakahawak sa kanang kamay ko kaya agad kong tiningnan kung sino iyon. Napangiti ako. Siguro nananaginip lang ako dahil nandito si Gabriel.


Mayamaya ay napalingon siya sa akin at bigla siyang napatayo sa gulat. "Mabuti't gising ka na." Bumalik siya sa pagkakaupo. "Maayos na ba ang iyong pakiramdam?"


Tumango ako at nilibot ko ang aking paningin. Hindi pamilyar sa akin itong kwarto. "Anong nangyari?"


"Ika'y nawalan ng malay kanina. Ayon sa kasama mong ginoo ay sintomas daw iyan na ikaw ay nagdadalangtao."


Napahawak ako sa tyan ko. Buntis ako? Kaya ba palagi akong nahihilo at minsan nagsusuka tuwing umaga dahil buntis ako? Napatingin ako kay Gabriel. Nagbunga ang nangyari sa amin noon. Napangiti ako. May unti-unting nabubuhay sa sinapupunan ko. "Buntis ako, buntis ako!" Masayang kong sabi pero bigla akong nalungkot. Buntis ako, magkakaanak na kami ni Gabriel pero lalaki ang anak ko na hindi niya kasama ang ama niya.


"Magiging ina ka na, Keira." Hinalikan niya ako sa noo. "At magiging ama na ako."


Nakadama ako ng galit. Bakit ang saya niya? Masaya ba siyang nabuntis niya ako at heto naman siya sa susunod na linggo o buwan ay ikakasal na sa ibang babae? "Lumayo ka sa akin." Malamig kong sabi sa kanya.


"K-Keira—"


"Lumayo ka sa akin! Ayokong lumalapit ka sa akin!"


"Aking mahal, bakit ka nagkakaganyan?"


"Huwag mo akong tawaging aking mahal dahil hindi mo naman ako mahal!" Kumukulo ang dugo ko sa kanya ngayon. Nagagalit ako dahil parang nagmamaang-maangan siya.


"Mahal kita, Keira. Sino naman sa'yo ang nagsabing hindi kita mahal?"


"Ikaw! Noong araw na iniwan mo ako sa bahay na 'yon, doon pa lang sinabi mo na hindi mo ako mahal dahil pinili mo si Corazon." Nakadama ako ng sakit dito sa puso ko. Naalala ko na naman ang liham niya na nabasa ko doon sa barko.


"Ginawa ko iyon upang protektahan ka. Ayokong saktan ka nila. Ayokong masaktan ka."


"Ayaw mong masaktan ako ngunit ikaw ang nagbigay ng pinakamasakit na naranasan ko." Naramdaman kong tumulo ang luha sa pisngi ko. "Sinabi mo sa liham na iyon na ikakasal ka sa ibang babae, anong iniisip mong maramdaman ko? Matuwa?"


"Paumanhin, aking—"


"Umalis ka na. Bumalik ka na sa inyo, hindi ka namin kailangan ng magiging anak natin."


"Aking mahal—"


"Umalis na sabi—aaaah!" Nakadama ako ng pananakit sa puson ko. Pagtingin ko sa saya ko ay may basang dugo doon. Napatingin ako kay Gabriel. "G-Gabriel."

It Started At 7:45Where stories live. Discover now