Kabanata 20

4.3K 224 24
                                    


Kabanata 20:



Hindi ako pamilyar sa dinadaanan ng karwaheng sakay namin ni ina Lucita. Tila ba matatagalan kami sa ibang bayan na pupuntahan kaya may dalang mga damit at inabot na kami ng limang oras sa biyahe. Ilang beses na rin huminto ang karwahe para makapagpahinga ang kabayo. Nasa kabilang karwahe naman sila Gabriel. Medyo nakakadama na ako ng pagkabagot dahil wala akong magawa. Si ina ay tahimik. Ayaw ata niya akong kausap ngayon o wala lang talaga siya sa mood magsalita. Kasama rin namin si ate Loleng at hindi ko rin makausap. Siguro ay naiilang siyang makipagkwentuhan sa akin dahil kasama namin si ina. Panaka-nakang tingin at ngiti lang binibigay niya sa akin.


Nagpaypay ako at tumingin kay ina. "Ina saan po tayo pupunta? Ang tagal na po ng binabyahe natin." Hindi ko natiis na tanong sa kanya.


Bumuntong hininga si ina Lucita. "Sa Maynila. Malapit na tayo doon."


Nanlaki ang mata ko. Pupunta kami sa Maynila. Makikita ko na kung ano ang mukha ng city na ito sa panahon ng Espanyol. Napangiti ako dahil sa sobrang kagalakan. "Saan po doon ina?"


Kumunot ang noo ni ina na parang nagtataka sa sinabi ko. "Hindi ko ba nasabi sa iyon na pupunta tayo sa Intramuros. Doon muna tayo habang hinihintay na matapos ang iyong traje de boda."


Kung doon naman gagawin ang wedding gown ko, ibig sabihin magtatagal kami doon. Makakapag-tour ako sa Intramuros. I'm feeling excited right now. "Uhm, bakit po kasama natin sina Señorito Gabriel?"


"May negosyong aasikasuhin sila kuya at si Gabriel ay kailangan sa korte ng Maynila sa susunod na araw."


Napatango ako. Taga Maynila siguro ang client ni Gabriel. He's a cool and great lawyer for me. Mayamaya'y may mga bahay-bahay na akong nakikita hanggang sa dumami na. May mga establishment na, pamilihan at naggagandahang bahay na alam kong tahanan ng mga Principalia. Hanggang sa dumaan kami sa parang nagsisilbing gate ng isang wall. May nakabantay na mga Guardia Civil doon. Naalala ko kung ano itong gate na 'to. Ang Puerta de Isabel II.


Isa lang ang ibig sabihin nito. Nasa Intramuros na kami. Totohanan na ito. Nasa Walled City of Intramuros na ako. Lalo akong na-excite. Gusto kong malibot kaagad ang Intramuros.


"Umayos ka ng upo, Keira at isara mo nga ang bintana. Mas mabuti nang nakasara iyan at nang hindi ka makita sa labas."


Nakasimangot na sinunod ko ang utos ni ina Lucita. Masama bang mag-sight seeing sa view sa labas? Hindi ko tuloy alam kung nasaang parte na kami ng Intramuros. Mayamaya ay huminto na ang karwahe at may bumukas ng pintuan nito. Bumungad sa akin ang isang nakangiting si Gabriel.


"Hindi pa kami nakababa sa karwahe'y nandyan ka na kaagad at nakaabang kay Keira." Sita kaagad ni ina Lucita kay Gabriel. Ni hindi man lang ako binigyan ng isang line para sa fiancé ko.


Inalalayan akong bumaba ni Gabriel. "Paumanhin tiya ngunit gusto ko lamang na makita si Señorita Keira bago kami umalis dahil sa susunod na araw pa muli kaming magkikita." This time naman ay si ina naman ang inalalayang bumaba ni Gabriel.

It Started At 7:45Where stories live. Discover now