Kabanata 22

3.9K 179 23
                                    


Kabanata 22:


"Mas lalong gumaganda ang mga bulaklak dito."


Ngumiti lang ako sa sinabi ni ina at nagpatuloy magpitas ng bulaklak para sa plorera. Kakabalik lang namin dito sa San Pablo noong isang araw. Hindi na namin hinintay na matapos ang traje de boda ko. Sabi ni ina ay mas ligtas kami ni Gabriel kung nasa bayan lang kami ng San Pablo at San Carlos dahil lapitin daw sa disgrasya ang malapit na ikasal. Sa ngayon ay nagpapagaling si Gabriel sa kanila.


"Nabalitaan ko kung sino ang babaeng nagtangka sa iyong buhay."


Napahinto ako sa ginagawa ko at humarap kay ina. "Sino po siya, ina?" Gusto ko malaman kung sino ang taong nagtangka sa buhay ko at bakit niya nagawa iyon.


"Siya ay si Señorita Guadalupe Lustre, isa siyang sa mga naging kaklase ni Luciana. Ang sabi ay naging kaibigan ni Luciana pero malaki ang inggit niya sa aking anak. Lahat kasi ng nasa paligid nila doon sa Maynila ay humahanga kay Luciana at parang nagiging pangalawa lang si Señorita Guadalupe hanggang sa nasiraan na siya ng bait sa paggawa ng paraan para mahigitan si Luciana." Tinapik ako ni ina sa balikat. "Kaya siguro nagawa niya iyon sa iyo dahil nga kamukha mo si Luciana."


"Pero ina, bakit siya naroon at pagala-gala? Paano kung may ibang taong nadamay at matulad kay Gabriel? May buhay na namang mapupunta sa bingit ng kamatayan." Ayoko nang may madamay dahil sa babaeng iyon na nasiraan ng bait. Paano kung ako na talaga ang masaksak niya? O baga matuluyan niya si Gabriel. Hindi ako makakapayag doon.


"Hindi ko alam kung bakit. Ang sabi nila ay nakakulong na siya sa kulungan ng mga baliw at hindi nila alam kung paano ito nakatakas. Kaya nga mas mabuting nandito lang kayo ni Gabriel. Dito, ligtas ka." Tumango lang ako sa sinabi ni ina. Nag-umpisa na rin si ina magpitas ng bulaklak. "Ang pag-aalaga ng halaman ay parang buhay at pagmamahal."


"Bakit mo naman po nasabi iyon, ina?" Ipinatong ko sa mesa ang bulaklak na pinitas ko.


"Hija, pagmasdan mong mabuti ang mga halaman. Dati ay parang wala na itong kinabukasan dahil sa pagkasira at hindi na inaalagaan. Napabayaan na at wala na itong buhay. Pero nang ikaw ay dumating, nagkaroon sila ng buhay, nagkaroon ng pag-asang sila'y gaganda at naramdaman na may nag-aalaga muli sa kanila nang dahil sa iyo. Ang pag-aalaga ng halaman ay parang pakikipag-ugnayan sa isang tao. Kung ikaw ay may mabuting puso at hindi magpapadala ng inggit sa iyong kapwa ay may munting pagmamahal na sisibol sa kanyang puso. Magiging mabuti at maganda rin ang trato ng tao sa iyo. Kung ikaw ay kabaliktad nito na puno ng inggit, ang iyong buhay ay masisira at galit ang tatanim sa puso ng iyong kapwa na katulad ng nangyari kay Señorita Guadalupe." Humarap sa akin si ina at binigay sa akin ang mga bulaklak na napitas niya. "Kaya hija ipagpatuloy mo ang pagiging mabuti ng iyong puso. Tiyak na lalong gaganda ang iyong buhay."


Tumango ako at ngumiti. "Opo ina. Hindi ko iaalis sa aking isipan ang iyong mga sinabi."


"Mabuti kung ganoon." Ngumiti si ina at hinaplos ang mukha ko. "O s'ya bumalik na tayo sa bahay at nang makapagluto na ng tanghalian natin. Mamayang hapon ay hahayaan kitang bumisita kay Gabriel. Tiyak akong bibilis ang paggaling nun kapag nakita ka niya at sigurado rin akong sobra kang sasaya kapag nakita mo rin siya."

It Started At 7:45Where stories live. Discover now