Kabanata 14

4.2K 244 18
                                    


Kabanata 14



"Mahal ko nagbalik ka na."


Naguluhan ako sa sinabi ni Gabriel dahil ang alam ko ilusyon ko lang ito. Napaupo ako at nilibot ng paningin ko bigla ang paligid. Wala ako sa kwarto ko. Nasa kwarto ako ni Gabriel. Naramdaman kong umupo na rin si Gabriel. Napatingin ulit ako kay Gabriel at hinawakan ang kanyang mukha. "Totoo ka."


"Oo totoo ako, aking mahal." Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. "Totoo ako at nandito ka na."


"Gabriel!" Niyakap ko siya ng sobrang higpit kaya gumanti siya ng yakap. "Akala ko hindi na ako makakabalik pa dito." Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. Umiwas naman siya ng tingin sa akin. "Hindi ka ba masayang nandito na ako? A-Ayaw mo ba akong makita?" Nakadama ako ng sakit sa puso.


Umiling siya. "B-Bakit ganyan ang iyong kasuotan, Señorita Keira?"


Napatingin naman ako sa suot ko. I wear black t-shirt with a printed necktie, color black and pink checkered mini skirt and highcut shoes. Bigla kong kinuha ang kumot ni Gabriel. Nasa conservative na panahon ako kaya malamang ganoon katodo iwas ng tingin sa akin si Gabriel. "Ano kasi—"


"Ginagalang kita aking mahal. Isang kasalanan na makita ang iyong balikat at ginagalang kita kaya hindi ko hahayaang ganyan ang iyong kasuotan..."


Habang nagsasalita si Gabriel ay doon ko lang napansin na isang haggard na Gabriel ang nasa harapan ko at pumayat siya. Hinawakan ko ang mukha niya at iniharap sa akin. "A-Anong nangyari sa'yo?"


"W-Wala. Pupunta lang ako sa kwarto ni Anastasia at kukuha ng iyong isusuot." Nagmadaling lumabas si Gabriel ng kwarto. Ako naman ay tumingin-tingin sa mga gamit ni Gabriel. Doon ko lang napansin ang isang barong tagalog na napakaganda ng pagkakatahi. Hinawakan ko iyon. Based sa design ng barong, parang pangkasal iyon.


A pang in my heart. Ibig sabihin malapit na ikasal si Gabriel. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko. Am I late now?


Mayamaya ay bumukas na ang pintuan ng kwarto ni Gabriel kaya napalingon ako. Agad siyang umiwas ng tingin sa akin. "Naalala kong may naiwan ka palang damit sa iyong kwarto kaya kinuha ko. K-Kunin mo na." Kinuha ko kaagad ang damit ko. "D-Doon ang kubeta. Magpalit ka roon." Tinuro niya ang isang saradong pintuan.


Agad naman akong pumasok doon. Bumuntong hininga ako. Tiningnan ko ang damit. Color sky blue lahat iyon. Pinalitan ko na ang suot ko. Nang matapos ako ay ngumiti ako ng matamis. Ano nang mangyayari? Siguradong malapit na ikasal si Gabriel sa babaeng iyon. Huminga ako malalim bago lumabas.


Bumungad sa akin si Gabriel na hawak-hawak ang cellphone ko. Nadala ko pala 'yan.


"Ano ito?" Curious na tanong niya sa akin. Nanlaki ang mata ni Gabriel. "N-Nakikita ko ang aking mukha! Kakaibang salamin naman ito!"


Kinuha ko ang cellphone ko. I look at the gallery at may picture doon si Gabriel. Natawa ako dahil ang epic ng mukha niya dito.


It Started At 7:45Where stories live. Discover now