Kabanata 32

3.4K 157 11
                                    


Kabanata 32:



Nagmamadali akong naglalakad papuntang ilog. Maglalaba kasi si Crisanta sa ilog at sasamahan ko siyang maglaba. Ito ang unang beses na maglalaba ako sa ilog dahil palagi akong pinagbabawalan ni padre Canciller na maglaba.


"Binibini, huwag na po kayong sumama. Baka mapagalitan tayo ni padre Canciller."


"Huwag ka na lamang maingay. Madaling solusyon, huwag mo na lamang sabihin sa kanya upang hindi tayo mapagalitan."


"Pero binibi—"


Kinuha ko sa kanya ang palangganang hawak niya. "Pagbigyan mo na ako sa aking kahilingan. Ngayon ko lamang ito gagawin at wala nang susunod pa. Pangako iyon."


Bumuntong hininga si Crisanta. "Ngayon lamang, binibini?"


Tumango ako. "Oo, ngayon lang. Pangako 'yon!" Tinaas ko pa ang aking kanang kamay.


"Sige na nga po."


Lumawak ang pagkakangiti ko. "Salamat!" At nagmadali na akong naglakad dahil malapit na kami sa ilog. Iba talaga kapag first time sa isang gawain, sobrang excited.


"Hintayin mo ako, binibini!"


Pagdating namin sa ilog ay may mga kababaihan nang naglalaba doon at laking gulat ko dahil may nag-iisang lalaki roon. "Benito!" Masayang tawag ko sa kanya.


Napalingon sa akin si Benito pati na rin ang ibang naglalaba roon. Nanlaki ang mata niya at napatayo siya. "Binibini!" Napatingin it okay Crisanta. "Bakit mo pinapunta dito ang binibini?" May galit sa boses nito.


Inunahan kong magsalita si Crisanta. "Huwag kang magalit sa kanya. Nais ko lamang maranasang maglaba dito sa ilog, kaya pagbigyan ninyo na ako." Nginitian ko ang mga naglalaba doon. "Magandang umaga po!" Masayang bati ko sa kanila. Hindi pa ako magaling magsalita ng salita nila kaya hindi ko alam kung ang iba sa kanila ay naiintindihan ang pinag-uusapan namin ni Benito. Lumusong na ako sa ilog at agad akong inalalayan ni Benito. "Ang lamig ng tubig!" Natatawang sabi ko. Sumunod sa akin si Crisanta. "Saan tayo banda maglalaba?" Excited kong tanong.


"Dito na lamang, binibini." Tinuro ni Crisanta ang pwesto malapit kay Benito. May batong mauupuan doon. Nauna siyang pumunta doon at sumunod naman ako. Umupo pa ako sa tabi ni Crisanta.


Ginagaya ko ang way ng paglaba ni Crisanta. Kusot dito, kusot doon. Ang cool lang kasi parang exercise siya na hindi. Sa kasalukuyang panahon, may washing machine na kasi at wala na atang nagtatangkang maglaba sa ilog.


"Binibini, umahon na po kayo. Baka sumama ulit ang pakiramdam mo."


"I'm still okay este maayos pa rin naman ang pakiramdam ko." Pinagpatuloy ko ang pagkusot ng damit ko. Ilang araw ring masama ang pakiramdam ko. Minsan nahihilo ako o 'di kaya'y nanghihina ako. Grabe, akala ko pa naman na-addopt ko na ang pamumuhay dito. Huminto ako sa pagkukusot. "Naalala ko lang, simula noong linggo na nag-almusal kami ni padre Canciller, hindi ko na siya nakikita. Umalis ba siya?"

It Started At 7:45Where stories live. Discover now