"Ah. Isang Healer. Ayos iyan!" Sabi ni Miguel.

"Sige. Ayos iyan. Bukas ng umaga tayo magsisimulang pumunta sa taas ng Havanna. Kaya kailangan na nating maghanda para bukas. Maliwanag?"

"Hm-hmm" sabay tango. Iyan nalang ang naging sagot ko kay Scarlet atsaka ay umalis na. Dumiretso ako sa twnt at umupo sa loob.

"Kamusta Kid?" Tanong sakin ni Zed.

"Ah. Magpahinga na kayo. Maaga tayo bukas. Kasama tayo sa mga unang grupo na pupunta doon." Sabi ko na ikinagulat nila. Pinaliwanag ko sa kanipa kung ano ang pinag usapan kanina doon at mabuti nalang ay ayos lang sa kanila. Nagaimula na kaming magligpit ng mga gamit at naghanda na ng hihigaan.

"Saan ka pupunta, Kid?" Tanong sa akin ni Fred.

"Ahh. Diyan lang ako sa may damuhan. Gagawa ako ng mga Potion para bukas."

"Kailangan mo ba ng tulog?"

"Hhhmm. Oo eh. Haha. Kailangan ko ng isang Potion Pot pero nakalimutan kong magdala. Naiwanan ko sa SHO ang akin eh. Siguro kalan nalang ayos na." Sabi ko.

"Sige. Kukuhaan kita."

"Sige. Salamat." Inilabas ko na ang mga nakita kong mga halaman at dahon na nakita ko noong nakaraan. Inihanda na rin ni Fred ang kalan at inapuyan na.

"Salamat Fred. Matulog ka na, maaga pa tayo bukas."

"Sige. Pero huwag kang magtatagal diyan. Kailangan mo rin ng Tulog." Simple niyang sagot.

Tumango ako sa kanya at nagsimula nang gumawa ng Potion. Madaming potion ang aking nagawa.

'Mayroon akong White flower. Isang uri ng bulaklak na may kakaibang ganda. Kahit maganda ito ay isa parin ito sa mga mahahalagang bagay sa paggawa ng isang magandang potion.' Sabi ko sa aking sarili.

'Menthol leaf. Isang Herbal Medicine. May kakaibang anghang ito na nagbubulot ng ginhawa sa mga nasasakit na parte ng katawan.'

Marami pang iba't ibng uri ng mga halaman ang pinagsama sama ko at hinalo halo sa kalang ito. Ilang sandali lang ang lumipas ay umabot na ito sa 30 bote ng potion. Nahahati sila bilang stamina potion, health potion at painkiller. Alam kong hindi pa ito sapat kaya pinagpatuloy ko pa ang paggawa hanggang sa nakalipas ng 2 oras.

Mga ala 1 na ng umaga nang natapos ako. Madilim na ang paligid at ang lahat ay natutulog na, maliban sa akin. Niligpit ko na ang aking mga gamit at itinabi na rin ang aking mga nagawang potions.

Inilabas ko ang isang dagger sa lalagyan nito na nakasabit na aking likuran. Tinignan ko ito at hinawahan. Dahan dahna kong iginala ang aking daliri sa talim nito para hindi ako masugatan.

Biglang humangin ng malamig na ikinatayo ng aking mga balahibo. Napatingin ako sa aking likod pero wala akong nakita.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. Pumikit ako para mapakalma ang aking puso na sobrang bilis ng tibok. Hindi ko alam pero bigla talaga akong kinilabutan sa hanging iyon. Malamig.

Nang naikalma ko na ang aking sarili ay dahan dhaan kong ibinuka ang aking mata pero nagulat ako nang biglang nagsalita si Master.

'Kid! Sa likod mo!' Na biglang ikinataranta ko. Pero huli na ang lahat. Bago pa ako makatingin ay bigla nalang akong nakaramdam na mat tumakip ng aking bibig. Parang nakayakap ito sa akin na nagpapabigat ng aking paghinga.

Nang maimulat ko ang aking mga mata ay makita ko ang ang lalaking naka hood.

"Huwag kang maingay at sumunod ka sa akin. Wala akong balak saktan ka kaya huwag kang gagawa ng komusyon. Baka magising ang iba." Sabi nito. Boses matanda na ito at napansin ko rin na kumubot na ang mga kamay na nakatakip sa aking bibig.

'Master! Sino ito?'

'Hindi ko kilala. Pero gawin nalang natin ang sinasabi niya. Mukhang hindi ka naman niya sasakyan.' Sabi ni Master.

'Hindi sasaktan? Eh kung mamamatay tao nga siya baka napatay na niya ako eh!' Reklamo ko.

'Eh hindi ka namatay. Kaya magtiwala ka nalang sa kanya.'

Hay nako. Hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari dito. Tumango ako  bilang pagsang ayon at dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang mga kamay sa bibig ko.

"Sumunod ka sa akin." At naglakad na siya palayo. Nagdadalawang isip man ay sumunod parin ako sa kanya. Sana talaga ay wala siyang gagawin sa akin. Bigla siyang huminto sa paglalakad at nagsalita.

"Alam ko kung nasaan ang posisyon ng mga taong hinahanap ninyo." Sabi niya na ikinagulat ko. Sinasabi ko na nga ba!

"Kakampi ka ng mga kalaban noh?" Seryoso kong tanong at inihanda ko ang dagger ko sa pag atake.

"Hindi. Katulad mo, isa lang din akong normal na tao." Sabi niya. "Walang Spirit, walang pamilya, wala lahat." Sabi niya.

"T-teka, paano mo nalaman ang tungkol sa akin?"

"Matagal na kitang sinusundan. Mula noong maulila hanggang bumalik ka sa bayan." Sabi niya.

Ikinagulat ko ang sinabi niya. "Teka, bakit? At bakit hindi kita nakikita?"

"Hhmm. Paano ba ito. Hmm..." sabi nito. "Ah! Nangako kasi ako sa aking matalik na kaibigan na babantayan ko ang anak niya. Kaya nang mawala siya ay ginawa ko ang sinabi niya."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Teka, ibig sabihin.."Kaibigan ka ng Nanay ko?" Tanong ko.

"Haha! Hindi. Ng tatay mo. Magkaibigan na kami bago pa sila magkakilala ng nanay mo." Sabi niya.

"Ah. Pero parang wala namang sinabi tungkol sayo si papa moong nabubuhay pa siya."

"Haha! Ano pa bang bago diyan sa tatay mo. Haha!" Masaua niyang sabi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o ewan. "Tungkol naman sa bakit hindi mo ako nakikita,.." umatras siya ng kaunti sa akin at huminga ng malalim. Bigla niyang pinagdikit ang dalawa niyang palad at nagulat ako nqng bigla siyang nawala. Para siyang naging usok na itim.

Teka, itim na usok? Ito ang simabi sa akin ni Fred na sa tingin niya na nagpapalaganap ng himagsik sa bayan ah. Akala siguro niya kalaban. Mabuti nalang at hindi. Nagulat ako nang magsalita si Master sa akin.

'Kid! Hawak niya ang Pitch Black Shadow! Isa sa mga Mythical Weapons!'

Nang sinabi niya ay nanlaki ang aking mga mata. Isa sa mga Mythical Weapons.

Ang Pitch Black Shadow!

SpiritsWhere stories live. Discover now