Lesson 18- In the Dark

Start from the beginning
                                    

She stared at me with amusement and turned away after niyang mapagtanto na tinititigan ko lang siya.  Kahit naman kasi papaano, nakikita ko yung mukha niya ng bahagya dahil sa dim lights na nakalagay sa hindi kalayuan sa aming puwesto.

 “O, bakit ka umiiba ng tingin?” I asked, na may halong pang-aasar.

“PAKIALAM MO BA?!!!” pasigaw niyang sabi. “Bahala ka na nga diyan! Aalis na ako!” sabay tayo. Ni 'di man lang niya ako tinanong kung ano ba yung gusto kong pag-usapan naming dalawa.. Grabe talaga…

 “Ashlei!!!”

Magmukha man akong tanga..

“Hoy, ano ba?! Makinig ka nga muna kasi!!”

Magpaulit-ulit man akong parang sirang-plaka..

“Tumigil ka muna, pwede ba?! ASHLEI!!!”

“BAHALA KA DIYAN!!!”

Pero bakit ba?

“Tumigil ka muna sabi eh!” I stated, grabbing her in one arm.

May isang bagay lang ako na kailangang sabihin sa kanya.

"Ano bang kailangan mo kasi sa akin ha?! Di ba sinabi ko na ngang bahala ka na diyan! Na wag mo na akong kausapin, at wag mo na akong guluhin! Ano bang---”

 “Sorry na kasi…”

 Magmukha man akong siraulo sa paningin niya, bahala na…

 May isang bagay lang naman ako na dapat sabihin sa kanya eh…

At kailangang ngayon na.

“Sorry for what?” she asked.

“Sorry!! Basta sorry!! Kailangan pa ba ng explanation for that? Hindi mo ba yun alam h—“

“E di bahala ka diyan!” pagtatangka niyang umalis kaya agad ko siyang pinigilan.

“Masyado ka namang atat kasi eh..” I sighed before saying, “Sorry na.. ka--si—kasi.. ano.. uhmm...” bakit nga ba?

“ANO BANG KASI??”

“… E Kasi, nasaktan kita!!” napabulalas ko. “Kasi.. nasaktan ko ang damdamin mo.. Hindi ko sinasadya, pero alam ko namang kasalanan ko pa rin yun e.. Naging insensitive kasi ako sa nararamdaman mo. Hindi ko naisip na masasaktan ka pala sa mga nasabi ko."

Ewan ko ba sa sarili ko..

Bakit ko ba nasasabi ang mga ganitong bagay sa panahon ngayon?

Bakit ba nakukuha ko pang magpakabait, ngayong dapat nga ay mas mairita ako sa kanya dahil sa sobrang sungit niya sa akin...

"Okay." she murmured.

"So, pinapatawad mo na ba ako?” tinignan lang niya ako for about a minute pagkatapos,

"Siguro nga natatandaan mo na yung sinabi ko sa’yo.. pero hindi mo pa rin naiintindihan kung ano ba ang ibig kong sabihin..”

“Eh?!” O_____o

"AYOKO! Hindi mo ako madadala sa mga paganyan-ganyan mo! Alam kong deep inside e tinetesting mo lang ako kung kaya mo ba akong paikutin sa mga salita mo!”

WTF?! Pagkatapos kong kainin ng buong-buo yung pride ko para lang masabi ko yung mga salitang yun sa kanya, ganun lang ang isasagot niya sa akin?!!

"You know what, you’re an angel in hell as always! Nakakairita ka!” mga salitang hindi ko namalayang kumawala sa bibig ko.

“E di mairita ka!! Hindi ko kailangang iplease ang lahat ng tao! Lucille is enough! Siya lang ang tanging meron ako! At hindi ko na gugustuhin pang maghanap ng iba kung katulad mo lang rin naman na isang walang-pusong nilalang ang matatagpuan ko!”

My Secret RewardWhere stories live. Discover now