Nang sinabi ni Master ang mga salitang iyon ay napaisip ako. Bakit niya sasabihin iyon. Naputol ang aking pag iisip nang magsalita siya.

'Siguro ay iniisip mo kung bakit ko iyon sinabi. Pero bago ko sabihin ang dahilan, tuturuan muna kita ng kaunting stratehiya.' Sabi nito.

'Sa isang labanan kung saan maglalabanlaban ang bawat grupo, ang laging nasa harap ay ang mga Vanguard. Sila ang dumidepensa sa lahat ng atake ng kalaban. Ang mga Vanguard ay hundi lamang bihasa sa dipensa kundi pati na rin sa pag atake. Sa kanila nagsisimula ang pag atake. Kapag nakalapit na ang Vanguard, saka lalabas ang mga Warriors. Binubuo ang mga Warriors ng mga Swordsman, Spearman, Assassin at madami pang iba. Sila naman ang umaatake sa kalaban. Kung susumahin, sa dawalang ito, makakatalo na sila ng madaming kalaban pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangyayari iyon. Kung kaya't nagdagdag pa ng isangbpag opensa sa grupo. Ito ay ang mga Ranger. Madaming uri ng mga Ranger pero ang pagkakaparehas ng lahat ay umaatake sila mula sa malayo.  Ibig sabihin non ay mas malawak ang nakikita nila kaysa sa mga Warriors. Mas madaming kalaban ang matatalo dahil doon.'

Pumasok sa aking isip ang mga sinabi ni Master. Kailangan kong malaman ang mga iyon.

'Pero sa isang labanan, hindi maiiwasan ang may masaktan at masugatan. Dito papasok ang mga Support.' Sabi niya. 'Kung saan ka kabilang.'

Napatango ako bilang pagsang ayon.

'Kayo ang magbibigay ng lunas sa mga sakit at maggagamot sa mga sugatan. Itinuturong na isang Dyamante ang isang Support kung kaya't nakapwesto ito lagi sa gitna ng mga Ranger. Upang maprotektahan ang Support. Ganoon ka kahalaga sa isang Grupo.' Sabi ni Master. 'Kung kaya't sabi ko sayo na lagi ka lang sasama kay Zed bikas para maprotektahan ka niya. Dahil pag nagkataon na may mangyari sa iyo, ang buong grupo ay unti unting masisira at matatalo.'

Ibig sabihin, ganoon ako kahalaga bukas. Kaya pala sinabi ni Master Lao na unahin ko ang aking sarili bako ang iba.

'Master! Pwede bang turuan mo ulit ako kung paano maggamot.' Sabi ko sa kanya.

'Hindi ba tinuruan na kita ng mga paunang lunas noong nasa Spirit Forest tayo? Bakit gusto mo ulit magpaturo?'

'Para lang po maalala ko ang lahat ng sinabi ninyo.'

'Sige. Pero paano ang pahinga mo?'

'Ayos lang po ako master. Mas ayos ako kung makakatulong ako sa kanila bukas.'

'Sige. Okaw ang bahala.' At sinimulan na niya akong turuan muli.

Sa totoo lang ay naaalala ko ang lahat ng itinuro ni Master sa akin. Lahat. Pero mas gusto kong ituro muli sa akin para lalong magtanim ito sa aking utak. At para hibdi ako magkamali kapag ginawa ko na siya. Pero mas maayos siguro kung walang mapapahamak sa aming paglalakbay.

Habang dinidikdik ko ang mga dahon na sinabi sa akin ni Master ay nagsalita siya.

'Alam mo ba Kid na naaalala ko sayo ang aking Estudyante. Isang magaling, matalino at mabait na estudyante ko noing nabubuhay pa ako.' Sabi niya.

'Salamat po, Master.' Sabi ko.

'Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako ang dapat magpasalamat sa iyo dahil kung hindi sayo ay hindi ako makakaalis sa ilalim ng tubig. Atsaka ang mga nalalaman ko ay ipinapasa ko lang sa iyo dahil alam kong kaya mo.' Sabi niya.

'Pero alan mo ba na hindi lahat ng nalalaman ko ay saaabihin ko sa iyo? Hahahaha!' Sabi niya.

'Pero bakit po?'

'Dahil wala ka pa sa kakayanan na gawin ang iba sa aking nalalaman. Madami akong alam na Potion, Pills, Spell, Scroll na nangangaioangan ng Spesipik na lebel ng Spirit bago magawa. Kaya masasabi kong nasa "BASIC" palang tayo ng aking kaalaman.' Atsaka ngumiti ito.

Sa isip isip ko, "ibig sabihin, lahat ng nalalaman ko ay hindi pa iyon ang lahat? Napakarami na ng itinuro mo sa akin pero hindi pa iyon lahat?!"

Pero hindi ko nalang sinabi dahil baka magalit siya.

'Pero Kid, tandaan mo, lahat ng itinuro ko sayo ay makakatulong sa iyo. Lahat iyon. Kung kaya't gamitin mo sa maayos.' Sabi niya.

Tumango ako bilang sagot sa kanya atsaka ngumiti.

'Pero Kid, hindi mo ba naiisip ang naiisip ko?' Sabi niya na ikinaangat ng aking kilay.

'Hindi po master. Ano po ba iyon?'

Nguniti siya at nagsalita. 'Sa Bundok tayo ng Havanna. Isa sa pinakadelikadong lugar sa mundo. Ano ang ibig sabihin non?' Tanong niya.

'Hhhmmm... madaming kalaban?'

'Ano pa ang madami maliban s amga kalaban. Dahil una sa lahat, hindi mo pa sigurado kung nandoon nga ang mga kalaban.'

'Hhhmmm.. mga Wild Spirits?'

'Tama! Kung madaming Wild Spirits doon, ano ang ibig sabihin non?'

Napaisip ako sa sinabi ni master. Kung madaming Spirits doon, ibig sabihin, delikado doon dahil wala pa akong spirit.

Teka...

'M-master, ibig bang sabihin ay...

Makakakuha na ako ng Spirit ko?' Masaya kong sabi.

SpiritsWhere stories live. Discover now