ACADEMIA 2: CHAPTER 39

25.6K 692 127
                                    

˙GENEVIEVE POV˙

"Happy Birthday to you... Happy Birthday to you..." Nakangiti ako habang kinakantahan si Grizelda na mahimbing na natutulog. Marahan ko ding hinahaplos ang kanyang kulay pilak na buhok. Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ko ang dahan dahang pagbukas ng mga mata niya, ngunit unti unting nawala ang ngiti ko nang magtama ang aming mga mata. Hindi ko na ipagkakaila... Talagang mararamdaman mo ang malakas na aura kay Grizelda kapag tinignan mo siya sa kanyang mga mata. Kakaiba ang mata niya... Kung may ibang titingin sa mga ito, Siguradong mapapaatras na agad sila. Natatakot din ako... Hindi sa mga mata niya kundi dahil kapag maraming nakakilala sakanya at makita ang mga mata niya ay siguradong iisipin nila na isa itong masama, Iisipin nilang mapanganib si Grizelda, Kaya hanggat kaya ko... Itatago ko muna siya sa lahat, Kailangan munang makontrol niya ang mga kapangyarihan niya. Dahil alam kong mapanagib talaga ang mahika niya.

Napatigil ako sa pag iisip nang maramdaman ko ang kamay niya na humahaplos sa pisngi ko. Ngumiti muli ako sakanya. "Happy Birthday, Baby." Sabi ko at inabot sakanya ang White Carnation flower. It's her favorite flower.

She half smile... Katulad nga ng inaasahan ko. Kaugali niya si zeke, Pero sa tingin ko ay sumobra ang kanya dahil halos hindi siya nagsasalita,  sa iba... Lalo na kung hindi niya naman ito gaanong kakilala. Saakin kasi ay madaldal siya, Pero kela Yvaine ay hindi, Kahit na limang taon na niya nakakasama ang mga ito ay hindi parin siya naglalabas ng emosyon sa mga ito, Pero alam ko naman sa loob niya ay mahalaga din ang mga ito sakanya hindi lang talaga siya mahilig magpakita ng nararamdaman.

"Thank you mommy." She kissed me on my cheeks.

"Always welcome, baby." Nakangiti ako sakanya. They don't know how thankful i am because she's my daughter. My Beautiful Daughter, Our... Halos manggigil din ako dahil sa kacute-an niya. Kahit na ang ugali nito ay parang suplada. Mana sakanyang ama.

"Mommy... I'm five na. Pwede ko na po bang makita si Daddy? When i turned 3 years old, You promised na if i turned five na makakasama ko na si Daddy."

Napahinto ako. Wala akong hindi ipinakilala sakanya, Sila Mom and Dad. Mga kaibigan namin. As in lahat nang naging parte ng buhay ko ay ipinakilala ko sakanya. Ikinuwento ko din ang storya ko sakanya. Matalino siyang bata kaya naiintindihan niya ang mga ito.

Lalo na si Zeke, Walang araw na hindi ko ikinukwento sakanya si zeke. Kung ano ang ugali neto at kung sino ba ito. Ngunit may isa lang akong kasinungalingan na sinabi sakanya, at hindi parin niya alam hanggang ngayon, ito ang... wala na si zeke. Ang totoo na hindi na niya makakasama o makikita ang daddy niya. Ang sinabi ko sakanya ay nasa Academia lang si Zeke at may inaayos doon. I don't know... Ayoko. Ayoko pang malaman niya. Ayokong malungkot siya dahil wala na siyang daddy. Kita ko ang saya sa mga mata niya kapag kinukwento ko sakanya ang Daddy niya, At ayokong tanggalin ito sakanya.

Kita ko din ang galak niya nang malaman niya ang itsura mg Academia. Gusto niyang pumunta doon at doon tumira. Gusto niya ding makita ang kanyang Grandma and Grandpa. Gusto niyang makita sila Raquel na naka Force. Gusto niyang makita si Kyzer. Gusto niya ding makita si Lord Serafina, Lalo na si Zeke. Gusto niya itong makasama, At maramdaman ang buong pamilya.

Nalulungkot nalang ako kapag sinasabi niya ang mga 'to. Dahil alam kong impossible na mangyari. Pero dahil sa kagustuhan at kasiyahan ito ng anak ko... Nagkaroon ako ng lakas... Lakas na lumaban. Pagod na kong magtago. Siguro naman sapat na ang Limang taon para bumalik muli sa Academia at Harapin na ang kailangang harapin.

ACADEMIA 2: The Broken WingWhere stories live. Discover now