ACADEMIA 2: CHAPTER 2

52.3K 1.6K 191
                                    

˙ RAQUEL POV ˙

"Find zeke." Seryosong sabi ni Kaelon. Tumayo ako sa pagkakaupo.

"Kami na maghahanap." Prisinta ko at agad na hinila si Wade. Lumabas na kami ng Opisina ni Prince Kelvin.

"Tignan mo kung nasa dorm niyo siya , Hahanapin ko naman siya sa Garden." Utos ko kay wade. Magpoprotesta pa sana siya pero sinamaan ko siya ng tingin kaya agad din siyang sumunod.

Huminga ako ng malalim at muling naglakad papunta sa Garden. Nang malaman namin na si keira ang nasa propesiya, Si zeke ay lalong naging tahimik at seryoso. Dahil siya ang lalaki sa propesiya, Siguro ang inaasahan niyang nakatakda sakanya ay ang prinsesa. Kaya kailangan niyang malaman na gising na siya.

Nang makarating ako sa Garden, Agad ko siyang hinanap. Sa paghahanap ko nakasalubong ko si Wade.

"You idiot! Sabi ko ako ang maghahanap dito." Sabi ko sakanya.

"W-wala siya doon sa Dorm. Sa tingin ko ay nasa p-puno siya." Sabi ni wade habang hinihingal dahil sakanyang pagtakbo.

"Ano? Saang puno?" Nagtataka kong tanong.

"S-sa labas ng Gate. May nagsabi saakin na lumabas daw siya ng Light Academia."

Agad na kaming tumakbo ni wade papunta sa Gate, Shit, Bakit lumabas siya! Hindi niya ba alam na nasa kapahamakan parin ang L.A. Ang baliw mo zeke!

"Princess Raquel! Prince Wade!" Napahinto kami sa Pagtakbo ni wade nang may tumawag saaming white wizard.

Nakita ko sa babae ang takot at parang naiiyak, Kaya agad kong tinanong kung ano ang nangyari.

"H-hinahanap k-ko po si Princess Hannah." Mahinang sabi niya. "I-isa po akong healing user, A-at ang d-dalawa sa miyembro po namin a-ay dinakip ng m-mga Black w-wizard."

Napabuka ang bibig ko, Black wizard? Mayroong umaatake nanaman?

Tumingin ako kay wade. "Wade dalhin mo siya kung nasaan si Hannah. Ako na ang maghahanap kay zeke." Muli ulit sana siyang magpoprotesta pero agad ko siyang linakihan ng mata, Agad na rin siyang sumunod at inalalayan ang babae.

Damn! Nag uumpisa nanaman sila. Hindi ba sila titigil! Get ready, She's awake?  Damn! Maghanda rin kayo dahil hindi na kami ang dating mahihina,  na madali niyong matalo, Lalo nang gumawa kayo ng ikinagalit namin, Pinatay niyo ang Hari, Nawala ang Prinsesa, At ngayon ay kinuha niyo si Keira saamin! Damn it!

Nang makalabas ako ng Gate ay agad akong tumakbo sa Punong sinasabi ni zeke. Doon daw sa pwesto na iyon nakita niya dati si Keira at Zeke, At iyon daw ang laging paboritong tambayan ni zeke.

Nang makarating ako ay agad kong nakita si Zeke na nasa itaas ng Puno, Nakatalikod saakin dahil nasa likuran niya ako. Huminto muna ako saglit, Hiningal ako sa Pagtakbo.

Biglang tumalon pababa ng Puno si Zeke, Kaya agad akong tumakbo upang lumapit sakanya, Nakita kong nakatayo siya roon. Tatawagin ko na sana siya ngunit napansin kong parang may kausap siya, Kaya ay lumapit pa ako lalo sakanya.

"Zeke." Tawag ko sakanya agad naman siya napalingon saakin kasabay nang pagkakita ko kung sino ang nasa harapan niya.

"Oh the Ice User."

what the hell? It can't be. Unti unti akong umatras. Nangangatog ang tuhod ko.

HANNAH POV

"Okay na ba siya?" Tanong saakin ni Wade, Tumango naman ako sakanya. Lumabas kami ng kwarto at nagtungo kung saan naroroon sila Prince Kelvin. Nakita namin sila na tahimik lang na nakaupo sa may Sala.

"Zeke! Sabihin mo ano ang nangyari kay Raquel!" Biglang sigaw ni wade kay zeke. Ngunit hindi sumagot si zeke at nanatiling tahimik.

"Hannah ayos na ba si Raquel?" Tanong saakin ni Elisne. Tumango namana ko at ngumiti kaunti.

"Ayos na siya, Nahimatay lang siya dahil sa Pagod a-at hindi ko maintindihan para kasi siyang natatakot." Sabi ko sakanila.

"Zeke ano ba ang nangyari kay Raquel?" Tanong naman ni Prince Kelvin. Ngunit hindi parin sumasagot si zeke na tila ang lalim ng iniisip. Huminga ng malalim si Princr Kelvin. "May nagpadala ng sulat kanina."

Hindi parin umimik si Zeke. "Galing sa Black wizard. Isang Mensahe, Ang nakasulat roon ay Pinaghahanda nila tayo. Dahil gising na siya." Seryosong sabi ni Prince Kelvin. "Gising na si Keira."

"I know." Napatingin kaming lahat kay zeke sa Sinabi niya.

"You know?" Tanong ni Elisne.

Sasagot pa sanang muli si zeke ngunit ay narinig nain ang sigaw ni Raquel, Kaya lahat kami ay agad na nagtakbuhan papunta sa Kwarto kung nasaan naroroon nakahiga si Raquel.

"Raquel!" Sigaw namin dahil nagsisigaw siya.

"I-i saw her! S-s-si! Ahh! S-s-she's a! W-white h-h---" Hindi matuloy ni Raquel ang sasabihun niya, Nanginginig din siya sa Takot. Agad namin hinawakan ang kamay niya upang pakalmahin siya.

"Shh honey." Pagpapatahan ni wade kay raquel. Agad namang kumalma si raquel at niyakap si wade.

"She saw Keira." Napatingin kaming lahat kay zeke nang magsalita siya. At nagulat kami sakanyang sinabi.

"S-si keira?" Tanong ko.

"Nasa labas ako ng L.A kanina, Naroroon ako sa Itaas ng puno nang biglang sumulpot si Keira." -zeke

"S-she's Different." Napatingin kami kay Raquel na maayos na ang lagay.

"Bakit siya nagpakita sayo zeke?" - Prince Kelvin

"Babalik na ba siya saatin? Tumakas ba siya sa Dark Academia? Sabi na, Hindi tatalab kay keira ang ginawa nil--" Sabi ko ngunit naputol dahil sumingit si zeke.

"Siya ang kumuha sa mga ibang healing user." Sabi ni zeke. "Enough hannah, Hindi na natin siya kakampi. She's Completely different." Dagdag ni zeke na nagpatahimik saakin. Napakuyom ko ang kamay ko. S-siya? Si keira? Ang kumuha sa mga ibang healing user?

"Ano ang kanyang mga sinabi saiyo?" -Prince Kelvin.

Umiling si zeke. "Wala. Pero sa pagkakaalam ko, Target nila ang mga Healing users. Lalo na si Hannah"

Bigla akong kinabahan. A-ako? Mga healing users? Ba-bakit.

"Nang makita ko siya..." Napatingin kaming lahat kay Raquel. "H-halos mamatay ako sa takot. H-hindi ko alam! P-pero nakakatakot ang presensya niya. Naramdaman kong sobrang lakas niya." Nanginginig na sabi ni Raquel.

"May malakas na presensya si georgette na naramdaman kanina. Siguradong si keira iyon." Sabi ni Prince Kelvin. Napatingin muli kami kay Raquel nang bigla ulit siyang magsalita.

"White Hair. Blue and silver eyes. She's wearing a cloak. She also have a Dagger. And a Black Fire"

                   

»»»○○○«««

//Sorry for all the Typography and Wrong Grammatical Errors//

//Sorry for all the Typography and Wrong Grammatical Errors//

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ctto

ACADEMIA 2: The Broken WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon