ACADEMIA 2: CHAPTER 1

75.9K 2K 206
                                    

˙ HANNAH POV ˙

"Cymon huwag kang magulo! Gagamutin nga kita." Sabi ko kay Cymon habang pilit siyang pinapahinto sakanyang ginagawa.

"Kaya ko pa naman hannah." Saad niya habang may ginagawa sakanyang kapangyarihan na Hangin.

Bumuntong Hininga ako at pinilit paring gamutin ang kanyang galos sa Braso dala nang aming pag eensayo. Pagtapos ay tumayo ako at nanonood sa mga kaibigan ko na sobrang pagod na dahil sa kanilang pag eensayo.

Dahil sa Isang taon naming pag eensayo, Lumakas kami lalo. Lalo na sila Zeke na may malakas na kapangyarihan ay lalo itong lumakas pa.

Kung dati naman ako ay nalulungkot dahil sa Healing Power lang ang mayroon ako, Pero hindi ko pala dapat ikalungkot iyon. Marami akong natutunan na mga Tricks sa pag gamit ng Healing, Katulad ng kaya ko silang bigyan ng heal habang nakikipaglaban upang agad na gumaling ang kanilang mga Galos at wala silang maramdaman na anumang sakit. Pero limitado lang ito, Dahil kung sumobra sa pag gamit ay pwedeng maubos ang Healing ko.

Napatingin ako kela Raquel na pursigido sa Pag eensayo, Marami rin silang natuklasan na mga tricks sa kapangyarihan nila at masasabi kong ngang ang lalakas nila. Lalo na ang Fire Wind Earth and Water Ang four elemantal powers. Ang mga ibang white wizards din ay minsan na nageensayo kaya sigurado kaming may laban na kami sa Black wizards.

Lumipas na ang isang taon pero wala parin kaming balita sa nangyari kay keira. Walang kaming alam kung siya ay gising na ba. Napakuyom ko nalang ang kamay ko sa naiisip ko kung ano ang ginawa nila kay keira para makatulog ng isang taon.

Sa araw araw na nagdaan saamin ay lagi kaming malungkot dahil sa pag kawala ni keira, Ni hindi nanamin nabigyang pansin ang nawawalang anak ng reyna. Wala na saaming binibigay na misyon para hanapin ang nawawalang prinsesa, Puro pag eensayo nalang ang aming ginagawa. Ni hindi na nga kami nagkakasayahang magkakaibigan dahil sa laging pag eensayo.

Lahat kami ay Hindi pumayag sa planong pagpatay kay keira. Pero ang ibang white wizards ay sinasabi nilang kailangan iyon upang hindi mangyari ang pagkawasak ng buong light academia.

Tumututol parin kami, Hindi pa naman namin alam kung ano ang bagong keira ngayon. Baka ay magawan pa ng paraan upang hindi na siya makontrol ni Haring Lazarus, Kaya kaming magkakaibigan ang punterya namin ay ang Hari.

"Mauna na ako." Napatingin kami kay zeke nang magsalita siya. Agad siyang lumabas ng Gym. Simula nang makuha at malaman namin na si keira ang may pakpak sa propesiya ay lalong naging emotionless si Zeke. Fire ang kapangyarihan niya pero ang aura niya ay parang Yelo dahil sa Lamig nag pakikitungo niya.

"Siguro ay hindi lang talaga siya makapaniwala na si Keira ang may pakpak sa Propesiya. Nasa isip niya kasi ay ang anak ng reyna ang nakatakda sakanya." Saad ni Kaelon.

Napatingin nalang kami sa Pintuang pinaglabasan ni zeke. Pero agad akong napatingin kela Kaelon.

"Matagal niyo na bang alam na si zeke ang lalaking nasa Propesiya?" Tanong ko sakanila.

"Hindi ko rin alam iyon." Sabat ni Elisne. Nagkibit balikat din si Raquel. Kaya napatingin naman kami sa Boys.

"Yes. Kami ang magkakasama noong nag labing walong taon siya, Bigla siyang nagwala nun dahil daw sumasakit ang likod niya tapos ay bigla nalang lumabas ang dalawang malalaking pakpak niya. Agad naman iyong sinabi kay Prince Kelvin at pinatili itong sikreto na sa iba." Mahabang litanya ni Kaelon.

"Ang dalawang nakatakda ay parehong may malakas na mahika Kung ganoon, kung malakas ang kapangyarihan ni keira. Siguradong malakas din ang kay zeke." Sabi ni Elisne.

ACADEMIA 2: The Broken WingWhere stories live. Discover now