ACADEMIA 2: CHAPTER 3

51.4K 1.6K 130
                                    

˙ HANNAH POV ˙

Nabalik ako sa malalim na pag iisip ko nang may humawak sa Balikat ko, Kaya ay napatingin ako roon.

"Uh okay ka na?" Tanong ko kay Raquel. Tumango siya at ngumiti ng kaunti. Bigla ko siyang yinakap.

"Raquel.. P-paano nagawa iyon ni keira.. Yung m-mga healing users." Naiiyak na tanong ko habang nakayakap kay raquel.

She sigh. "Shh. Alam naman nating lahat na kontrol siya ng Dark king diba?" Pagpapatahan niya saakin.

Tumango tango ako... Pero hindi ko parin maiwasan na maiyak. Please, Keira.. Bumalik ka na saamin... Huwag ka nang gumawa pa ng ibang kasamaan na magpapagalit saamin.
Kakampi mo kami, Kampi kami saiyo. Sa Ngayon...

~~

"Dito nanaman tayo sa Gubat paghahanapin." Nakanguso na saad ni Elisne. Naririto kasi kami sa Gitna nang Gubat. Dito kami idinala ni Prince Kelvin para hanapin ang nawawalang Gemstone. Ito ang bagong misyon namin.

"Huwag ka nang magtaka. Dito sa Academia, Mga Palasyo, Mga bundok at Maliit na village lang ang naririto, The rest ay Puro gubat na." Seryosong sabi ni Kaelon. Napatahimik naman si Elisne ay pilit na nginitian si Kaelon.

"Hehe" She Fake laugh.

"Sabi ni Prince Kelvin ay sa Mt. Cr- Shit." Napatingin kaming lahat kay Kaelon.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Shit shit shit. Bakit hindi natin isinama si Raquel?"

"Kailangan niya pang magpahinga." Sabat ni Wade. "Ano bang problema?" Tanong niya.

"Sa Mt. Cryo ang sinabi ni Prince kelvin. Doon tayo maglalakbay at hanapin roon ang Water Gemstone. Sabi ni Prince kelvin doon raw ang sinabi ni Teacher Daisy." Wika ni Kaelon.

"Mt. Cryo? Fudge! Si raquel ang kailangan natin." Sabi ni Cymon.

Mt. Cryo. Ito ang Ice mountain nang Academia malapit ito sa Village. Dahil nga Ice Mountain, Syempre puro yelo ang naririto, At hindi madaling maglakbay rito dahil sa sobrang lamig, At baka magyelo kami once na makatungtong kami rito. Kaya ang kailangan namin ay si Raquel. Kaya niyang kontrolin ang Yelo.

"Wala tayong magagawa. Mas magandang magsimula na tayo habang maaga pa." Malamig na wika ni Zeke.

Nagsimula na kaming maglakad. Si zeke na ang nagsalita wala kaming magagawa. Kung seryoso si kaelon mas seryoso si zeke.

Tahimik lang kaming naglalakad, Nakakatakot pag nagsaway si zeke. Kahit na isa kami sa mga Royal blood. Mas kagalang galang si zeke.

Natatanaw nanamin ang Academia Village. Madadaanan muna kasi namin ito bago makarating nang Mt. Cryo.

"Huwag tayong magpapahalata na galing tayo sa Light Academia. Siguradong maraming Black wizards ang naririto." Saad ni Kaelon.

"Paano yan? Mahahalata nila ang presensiya natin dahil wala namang inilagay saatin si Teacher daisy na Dust." Sabi ko.

"Kung mahalata man nila tayo huwag natin silang pansinin. Tuloy tuloy lang tayo sa Paglalakad hanggang sa Makarating tayo doon sa Kabilang gubat."

Nagsimula nang maglakad si Kaelon at Zeke. Sumunod naman kami sa kanilang dalawa. Katabi ko si Elisne at sa Likod naman si Wade at Cymon. Napahinto ang mga naririto sa Village. Napahinto sa kanilang paglalakad at ginagawa nila. Sila rin ay nanahimik. Tinignan muna nila kami at biglang yumuko ang iba upang magbigay galang.

May nakita rin akong iba na masama na nakatingin saamin. Black Wizards. Napakuyom ko ang kamay ko. Huminga ako nang malalim at iniwas ang tingin sakanila. Mga low class lang naman sila na Black wizards. Hindi sila pwedeng umatake saamin dahil alam naman nilang wala silang laban.

ACADEMIA 2: The Broken WingWhere stories live. Discover now