ACADEMIA 2: CHAPTER 29

31.2K 1K 156
                                    

˙GENEVIEVE POV˙

"White Wizards. Good evening to all of you. I just want to say Thank you. Thank you for Fighting. Thank for not giving up. Alam kong marami tayong napagdaanan, Humihingi ako ng paunmanhin sa mga ibang nawalang white wizards. Pinapasalamatan ko sila dahil lumaban sila, At ako'y humahanga sakanila dahil namatay sila dahil sila ay lumaban. Ikinalulungkot ko ng labis ang pagkawala ng ating mga Healing Users, Pero sinisigurado naming magagawan namin yan ng paraan. Sana ay masaya sila kung nasaan man sila. Gusto kong sabihin na... Ginagawa talaga namin ang makakaya namin upang kayo ay maprotektahan, At mabigyan kayo ng sapat na lakas upang sumabak sa digmaan. Marami na tayong napagdaanan na Laban, Pero heto tayo! Hindi sumusuko. Kaya alam ko talagang mahal niyo ang inyong mundo. Maraming Salamat sainyong lahat." Rinig ko ang pagsasalita ni mom sa harap nilang lahat. Naririto ako sa isang silid kung saan ako lalabas. Hindi pa ako pinapalabas dahil sabay daw kami ni King kristoffer lalabas, Siguro ay nasa kabilang silid siya. Lalabas lang daw kami kapag narinig namin ang aming pangalan. Namamasa ang mga kamay ko, Kinakabahan ako.

"At ngayon, Salubungin natin ang pagbabalik ng ating pinakamamahal na prinsesa. Alam kong mayroon siyang kasalanan sa Light Academia, Pero alam ko namang narinig niyo na ang Istorya niya. Hindi niya ginusto ang nangyari, At may tiwala ako sainyo na napatawad niyo na siya. Dahil wala din naman kayong magagawa, Dahil malapit na siyang maging reyna ng Academia." Rinig kong sabi ni mom. "Mayroon pa akong isang magandang balita sainyo, White Wizards. Pero huwag niyo sanang isipin na binuhay namin siya dahil sa mundong ito walang sino man ang may kapangyarihan na kayang bumuhay ng patay."

Rinig ko ang mga bulungan nila. Inaakala nila sa si Hannah ang itinutukoy ni Mom. Pero ikinalulungkot ko... Hindi ko alam kung kaya kong bang maibalik si Hannah. Dahil unang una hindi ko alam kung nasaan siya. At hindi ko alam kung siya ba ay buhay pa, Pati ang ibang mga Healing Users.

Ikinuwento ni Mom ang nangyari kay King Kristoffer. Yung kinulong siya sa Dark Academia. Pero hindi niya pa sinasabi kung sino ito. Kaya sobra na ang kuryosidad ng mga White Wizards, Atat na atat na silang malaman kung sino ba ito. Nalipat ang mic kay Prince kelvin at nagsimula na akong maghanda kasi alam kong tatawagin na ako.

"Salubungin natin ang pagbabalik ng prinsesa at ang hari ng dark and light Academia! Princess Genevieve and King Kristoffer!"

Bumukas ang malaking pintuan sa silid kung saan naroroon ako. Nakita ko ang napakadaming White Wizards na nagsisigawan at naghihiyawan. May mga sumisigaw pa na Princess Genevieve. Pero madami ding nagbubulungan tungkol kay King Kristoffer, Masaya sila dahil buhay ito pero hindi nila inaakala na siya pala ang kinukwento ni Queen Georgette.

Napatingin ako sa harapan ko kung saan nakabukas din ang malaking pintuan. At nakita ko doon si King Kristoffer na nakatingin saakin na may luha sa mata. Hindi ko rin napigilan ang luha ko, Agad akong tumakbo palapit sakanya at agad siyang yinakap. Ang tagal kong gusto gawin ito. Ramdam ko din ang yakap niya.

"My Princess" Bulong nito saakin, At puro siya sorry dahil hindi niya daw ako naprotektahan. Naramdaman kong may yumakap pa saamin at alam kong ito ay si Queen Georgette.

Ang sarap sa pakiramdam na yakap yakap ko na ang tunay kong mga magulang. Ilang years din akong nawalay sakanila, At ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pangungulila nila saakin. Sinabi din nilang babawi sila saakin at magsisimula muli kami.



Napakaganda ng pag kaayos dito sa Ballroom. Ang gaganda ng mga kulay at buhay na buhay. Andami ding mga iba't ibang kulay na ilaw at mga Bulaklak. Nagkakalat din ang mga disenyo na gawa sa mga kapangyarihan ng mga White Wizards. Ito ako nakaupo saaming trono. Nakita ko kung saan banda ang trono ng ibang royalties, Ngunit nakita ko lang doon ang mga Parents nila. Wala sila Elisne, kahit si zeke.

ACADEMIA 2: The Broken WingWhere stories live. Discover now