ACADEMIA 2: CHAPTER 25

38.5K 1.1K 122
                                    

˙GENEVIEVE POV˙

Tanaw ko na rito sa itaas ang kabuuan ng Light Academia, Magulo at makalat, Halatang may ginanap na digmaan rito, Mga punong sira sira na at ang mga nagibang pader, buti nalang ay naprotektahan ang main palace dahil naririto ang mga importanteng gamit, nakakalungkot ang mga nakikita ko, dahil napansin ko rin ang mga hayop na nakahandusay sa sahig, Siguradong masakit ito para kay kaelon.

Naramdaman ko ang unti unting pagbaba namin ni zeke.

Naririto na kami sa harap ng malaking gate ng Light Academia, Biglang kong naalala noong nakita ko ito, Ang akala ko pa ang ibig sabihin ng L.A ay Los Angeles, Dito rin ako ibinaba noon ni wade noong unang sakay ko sa kapangyarihan niyang tubig. Napangiti nalang ako.

Unti unting bumukas ang malaking gate at naglakad naman kami papasok.

"I'm nervous." Mahinang sabi ko kay zeke na nasa tabi ko.

"Bago nanaman pangalan mo, Prinsesa?" Biglang sabat ni Wade. Tumingin naman ako sakanyang nakakunot noo. "Sabi mo ikaw si nervous." Sagot niya, Kaya napa poker face ako, Wade na makulit parin as always, but nakakagaan ng loob dahil napatawad nila ako sa nagawa ko, Dahil tinatanggap parin nila ako at bumabalik na muli ang dati naming samahan.

"Honey!" Napailing nalang ako nang pinitik ni raquel ang tenga ni wade. Nagsisimula nanaman.

Napatingin ako kay zeke nang naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "Don't be nervous."

"I can't. Paano kung galit saakin ang mga white wizards? Nakakahiya parin talaga sakanila ang nagawa ko."

"No, trust me." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at pumasok kami sa malaking pinto ng Palace.

Pag bukas palang ay nakita ko na ang mga white wizards, Napatingin silang lahat saamin at napatahimik. Napayuko naman ako.

"Welcome back, Princess Genevieve!"

Napatingala ako nang marinig ko ang masaya nilang bati saakin. Masaya silang nakangiti saakin kahit na may mga galos ang katawan nila, at ang iba ay nahihirapan parin. Nagtutubig ang mga mata ko, paano nila nagagawa iyan? Sa mga nagawa kong ikapapahamak nila nakuha parin nilang ngumiti saakin, may mga problema pa kami pero nagagawa na nilang ngumiti.

Sinuklian ko ang binigay nilang ngiti saakin.

"Tutuloy muna kami sa kwarto ng Reyna." Sabi ni Raquel sa mga White Wizards.

"Siguradong matutuwa si Queen Georgette nito." Sabi ng isa.

"Talagang matutuwa ang Reyna, At babalik na rin ang sigla nito." Sagot naman isa.

Naglakad na kami patungo sa Kwarto ng Reyna. Si King Kristoffer ay ipinunta muna ni Kaelon sa likod ng Palace gamit ang Dragon ni Zeke, Para hindi mabigla ang mga white wizards, Ang alam kasi nila ay patay na ito.

Kumatok muna si Zeke bago niya buksan ang pinto, Nakita namin ang Reyna na nakahiga sakanyang kama, Napatingin naman siya saamin nang marinig kami.

"Kamusta ang paghahana--" Napahinto siya nang mapadako ang tingin niya saakin, Her eyes become watery. "M-my Genevieve." Sunod sunod ang pagpatak ng luha sa pisngi niya.

ACADEMIA 2: The Broken WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon