ACADEMIA 2: CHAPTER 13

36.7K 1.1K 148
                                    

˙ ELISNE POV ˙

"Elisne, Stop. It's dangerous." Saway saakin ni Raquel. Ngumiti lang ako sakanya at patuloy sa ginagawa ko.

"Masyado siya natuwa sa bago niyang natutunan na skill." Rinig kong sabi ni Kaelon. Yes! May bago akong natutunan sa sun skill ko, It's a Heat Vision, Gamit ang mata ko kaya kong mapapaso kung ano man ang tignan ko.

Naririto nga pala kami sa Training room, Nag eensayo kami. This time, Wala na. Wala na isa samin ang may pag asang bumalik sa dati si Keira, Kaya lahat kami ay pursigido sa pag eensayo at pagpapalakas, Kailangan naming mabawi si Hannah.

Ang makulit at maingay na cymon dati, ito ay lagi nang tahimik, at parang laging malalim ang iniisip, Parang kaugali na niya si zeke, Yun nga lang ay naninibago kami sakanya dahil hindi naman siya ganyan dati.

"Ahh!" Natigil ako sa ginagawa kong paglalaro sa heat vision ko nang marinig ko ang sigaw ni Raquel.

"Prince Kelvin naman ginulat mo kami." Saad ni Raquel at lahat sila ay yumuko upang magbigay galang.

"I'm sorry." Ngumiti siya saamin. " I Just want to check you guys. Ready for the training?" He asked and smirk.

We smirk and nodded. Gumitna rin kaming anim at gumawa ng pabilog habang magkatalikuran.

Isang iglap nagkaroon ng mga kalaban, Not a real enemy, Just a Holograms. May mga armas ito, Marami sila napapalibutan din nila kami.

Nagbatuhan na kami ng mga kapangyarihan at nakipag espadahan, We help each other too para matalo ang mga kalaban na Holograms. Mga tunog ng espada ang naririnig, at iba ibang ingay, Para kaming nasa war.

Naubos na ang mga kalaban, lahat sila ay tumba na at unti unting nagfafade. Biglang may malakas na ilaw kaming nakita at parang may naglalakad rito. Inihanda ulit namin ang sarili namin, Mahirap na dahil maraming pakulo si Prince kelvin.

Naaninaw nanamin ang naglalakad mula sa liwanag, at napabuka ang bibig ko sa nakita ko. Halos kaming anim naman ay napatigil.

Si Keira...

Si Keira na naglalakad papunta saamin at nakangiti, Kulay itim din ang buhok nito pero ang kasuotan niya at ang kasuotan ng mga Black wizards.

"Keira." Sabay naming sabi ni Raquel. Mahina lang ito.

"Ahh!!" Sigaw namin ni Raquel nang biglangmay tumama na kapangyarihan saamin. Napatingin ako kay keira at nabalik na ito, Kulay puti na ang buhok at ang mga matang galit na nakatingin saamin.

Susugurin na kami nito, Wala akong magawa. Wala kaming magawa ni Raquel nakatingin lang kami sa Keira-ng pasugod saamin. Napapikit nalang kami nang malapit na ito saamin.

"Hindi parin malinaw ang usapan, Umaasa parin kayo na babalik pa siya." Boses ni Prince Kelvin.

Idinilat ko ang mata ko at napatingin sa kabuuan ng Training room, Bumalik na sa dati at wala na ang mga holograms.

"I-it means h-holograms lang din iyon..?" Mahinang tanong ko sa sarili ko, narinig ito nila prince kelvin.

"Yes... At nang makita niyo si keira na nakangiti sainyo, Lahat kayo ay napatigil." Sabi niya at napatingin kay zeke. "Kahit ikaw zeke."

"Gisingin niyo ang diwa niyo. Kung magiging ganyan kayo sa Laban natin sa mga Black wizards, Siguradong matatalo kayo. Tulad ng sabi niyo, She's ready to kill us, kaya kailangan din nating gawin iyon sakanya. Isipin niyo ang mga napahamak dahil sakanya, ang mga wala na rito dahil sakanya. Isipin niyo, Once na manalo siya sa laban, Maraming mamamatay." Pahiwatig ni Prince Kelvin.

ACADEMIA 2: The Broken WingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon