trente-trois

113K 1.7K 81
                                    

A/N: Hi guys! I'm back. Sorry for not updating lately. Masyado lang akong nag-enjoy sa bakasyon ko sa PH. lolz. Anway, medyo pahahabain ko muna itong story na 'to bago ko tapusin. Sana patuloy niyo pong subaybayan at basahin. Enjoy! 

UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata si Gaelle nang magising pero imbes na bumangon kaagad ay nanatili lamang siya sa kanyang higaan habang nakatingin sa ceiling. Napabuntong-hininga siya nang sumagi na naman sa isipan ang nag-iisang lalaki na minahal niya at patuloy na minamahal.

Pagak siyang tumawa. Parang imposile na yatang mawala pa ang pagmamahal niya para kay Kellan. Kahit na ano kasing tampo o galit man ang nadarama niya ngayon ay hindi niyon kayang patayin ang pagmamahal niya rito. Alam niya iyon dahil hindi man lang nabawasan iyon mula nang iwan niya ito.

Ang swerte lang ng kumag na iyon kasi ito pa rin ang isinisigaw ng puso niya at patuloy na mamahalin.

She felt pain as she remembered his handsome face; his green eyes as he stares at her so lovingly and his lips that never failed to make her lose her mind just by his kisses.

Nag-init ang mga mata niya. Napahugot siya ng hininga upang pakalmahin ang sarili at upang hindi na maiyak pa. Isang linggo na mula nang makabalik siya sa France pero 'di pa rin nababawasan ang pangingulila niya kay Kellan. Kahit ano'ng gawin niya ay sobrang nami-miss niya ito.

Masakit pa rin ang mga nangyari at kapag naaalala niya ay lalo lamang siyang nasasaktan. Napahawak siya sa kanyang tiyan at kahit papano ay napangiti siya nang madama ang umbok roon na nagpapatunay na mayroong lumalaking buhay roon na bunga ng pagmamahalan nila binata.

Sa mga nakaraang araw ay ang anak nila ang nagsilbing lakas niya upang huwag masyadong magpadala sa sakit na nadarama.

She tried her best not to think about Kellan often but it was so hard to do so. Pero kahit papano ay ang bata sa kanyang sinapupunan ang nagpapasaya sa kanya. Hindi pa man niya ito naipapanganak pero alam niyang mamahalin niya ito nang lubos at higit pa sa buhay niya.

"Stay put, baby. Don't worry, we'll both be okay. I'm here for you. Mommy will always be here for you" kausap niya sa anak habang hinahaplos ang tiyan nang buong pagmamahal. And just like that, she felt calmer.

Babangon na sana siya nang may kumatok sa pintuan.
"Chérie, are already awake?" napakunot-noo siya saka napatingin sa orasan. It was already 9 am and she thought her parents already left. Bumangon siya saka pinagbuksan ang kanyang maman Belinda.

"Oui, maman?"

"Mabuti naman at gising ka na. Do you want to come with me at the store? You've been staying here since you arrived from the Philippines. Alam mong hindi makakabuti 'yan para sa anak mo. Kailangan mo nang exercise kahit maglakad-lakad ka lang" suhestyon nito na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Tipid siyang ngumiti.

Gusto niyang sabihin na ayaw niyang lumabas pero alam niyang pati ang mga ito ay naaapektuhan na rin sa ikinikilos niya at nag-aalala.

Nang malaman ng mga magulang niya ang nangyari sa pagitan nila nI Kellan ay galit na galit ang mga ito at sinabing tama lang na iniwan niya ang binata.

"Sige po. Maliligo lang ako" lumarawan ang tuwa sa mukha ng ina. Mukhang hindi nito inaasahang papayag siyang sumama rito.

"Okay. I'll wait for you downstairs. Your breakfast is already prepared" tipid siyang ngumiti saka tumango. Nang makaalis ito ay dali-dali siyang naligo saka nagbihis. Hindi na siya mag-abalang maglagay pa ng make-up.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Where stories live. Discover now