vingt sept

110K 1.7K 122
                                    

A/N: Hi guys! Happy Sunday to all! 

DAHAN-DAHANG binuksan ni Kellan ang pintuan ng kwarto nila ni Gaelle. Oo, nagsasama na sila sa iisang kwarto mula noong bumalik sila sa Manila. Ayaw man ng mommy nila ay pumayag na rin ito lalo na nga at buntis na rin naman si Gaelle. Gusto nito na laging may nakabantay sa dalaga para may tutulong rito kung sakali man na may kailangan ito.

Kahit naiirita si Gaelle dahil masyado silang protective rito ay wala rin itong magawa dahil tatlo silang nag-aalala sa kalagayan nito. Hindi rin maikakaila ang excitement sa kapatid at sa ina dahil sabik ang mga ito sa bata. 'Di kasi naranasang makasama ng mga ito si Brett. 

Ilang beses pa lamang nakita ng mga ito ang bata at iyon ay noong kapapanganak pa lamang rito ni Beatrice. Pumapayag ito na sa kanya tuwing weekend ang bata pero binawi rin nito ang pagpayag sa ganoong set-up dahil sa matinding galit kay Gaelle kahit pa wala na ang dalaga noon. Nagalit ito dahil hindi niya ito magawang mahalin. 

Matagal ring pinagkait sa kanila ni Beatrice si Brett dahil nga ayaw niyang pumayag sa gusto nito. Pati siya ay sabik ring makita at maalagaan ang magiging anak nila ni Gaelle dahil hindi niya iyon nagagawa sa isa pa niyang anak. Masakit iyon para sa kanya bilang ama kaya naman kahit ayaw niya sanang makita si Beatrice ay nagtitiis na lamang siya para lamang makita si Brett.

Nang maisara niya ang pintuan ay walang ingay siyang naglakad palapit sa kama kung saan nakahiga si Gaelle. Nakatagilid ito patalikod sa direksyon niya kaya hindi niya sigurado kung gising pa ba ito o tulog na. Pero dahil wala itong kibo nang maupo siya sa kama nila ay inisip niyang tulog na ito.

Napagbuntong-hininga siya. He felt so guilty. Pasado alas dies na at nakatulugan na siguro nito ang paghihintay sa kanya.

Nang maihatid niya sina Beatrice at Brett ay aalis na sana siya agad pero nagising ang anak at ayaw na nitong bumitiw sa kanya. Gusto nitong siya ang magpatulog rito. Ayaw na sana niyang magtagal pero ayaw naman niyang iwang malungkot si Brett.

Kaya ang nangyari ay napilitan siyang saluhan ang mga ito ng hapunan kahit wala siyang gana. Siya na rin ang tumulong sa anak upang mag-linis ng katawan saka ito binasahan ng bedtime story.

Yes, he felt happy about it because it was his first time to do such things to his son but he couldn't help but to feel sad at the same time as he thought about Gaelle.

Dahan-dahan siyang lumipat sa kabilang side ng kama at naupo sa tabi nito. Hinagkan niya ito sa noo saka tinitigan ang maganda nitong mukha. Halatang-halata sa mukha ng dalaga na masama ang loob nito. Parang gustong suntukin ni Kellan ang sarili dahil palagi na lamang niya itong nasasaktan.

Bakit ganun? Kahit wala naman sa intensyon niya na saktan ito ay nasasaktan niya parin ito dahil sa mga bunga ng pagkakamali niya noon. Mabini niyang hinaplos ang pisngi nito habang tinititigan niya ito ng buong pagmamahal.

Napakaganda talaga nito. Kahit siguro titigan niya ito nang maghapon ay hindi siya magsasawa. Kung tutuusin ay siya na ang pinaka-maswerteng lalaki sa mundo dahil kahit wala na siyang ibang ginawa kundi ang saktan ito ay mahal pa rin siya nito at lagi na lamang pinapatawad at binibigyan ng pagkakataong makasama ito.

Kung ibang babae lang siguro ito ay baka matagal na siyang ipinagpalit sa iba. Kahit noong nalaman nito ang naging bunga ng pagkakamai niya noon ay tinaggap pa rin siya nito. Pero ngayong akala niya ay maayos na ang lahat saka naman ganito. Ayaw niyang dumating sa punto na kailanganin niyang mamili sa pagitan ni Gaelle at ang kanilang anak na nasa sinapupunan pa lamang nito saka ni Brett dahil hindi niya alam ang gagawin kapag nagkataon.

Mahal na mahal niya ang mga ito at ayaw niyang mawala kahit isa man sa mga ito sa kanya. Oo, makasarili na kung makasarili pero ayaw niyang isuko kahit isa sa mga ito. Gagawin niya ang lahat para maging maayos ang lahat.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Where stories live. Discover now