quinze

147K 2.3K 24
                                    

Ang nakaraan...

"MISS?" She was pulled out of her reverie when she heard his very manly voice. His voice really complimented his looks.

"Yes? Ano 'yon?" He gave her a smile which made her heart leaped all of a sudden.

"Sabi ko, I see that you like it here" Dahan-dahan siyang tumango.

"Oo, maganda nga dito"

"If you don't mind, ano ang ginagawa mo dito? Bakit ka lumabas?" Kumunot ang noo niya.

"Nakita kasi kita sa birthday ni Bea kanina kaya alam kong bisita ka niya"

"Ah ganun ba?" Tumayo ito at lumapit sa mga tanim na flowering plants. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang nitong pinitas ang isang pink na rosas.

"Hoy, ano'ng ginagawa mo?! Bakit mo pinitas 'yan?!" Parang wala itong narinig na lumapit sa kanya sabay abot ng bulaklak.

"Ayoko ngang tanggapin 'yan! That's considered stealing kasi 'di naman sa'yo yan pero pinitas mo" he chuckled amusedly.

"Trust me, it's not stealing. Kunin mo na kasi para sa'yo 'to" Umangat ang isang kilay niya.

"Bakit mo ba kasi ako binibigyan niyan? 'Di naman kita kilala" Mataray na sabi niya.

"Eh 'di magpapakilala. I'm Kellan Zackly. 'Yan, kilala mo na ako. Can you accept this now?"

"Bakit mo nga ako binibigyan?"

"I just thought that this flower suits you. it's beautiful and smells good. Parang ikaw" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Gaelle dahil sa mga sinasabi nito kaya para itago ang kakaibang nararamdaman na iyon ay mas pinili niyang tarayan na lamang ang binata.

"Pinagloloko mo ba ako?" alam naman niya na sa gwapo ba naman nito ay matamis ang dila nito kaya dapat 'di siya magpaapekto. Sigurado'ng nakikipaglandian lang ito sa kanya.

"Hindi ah. Sinasabi ko lang ang totoo. Maganda ka naman talaga ang I like your smell. Kaya ko pinitas 'to kasi bigla kong naalala ang bulaklak na ito nang makita kita. Siyanga pala, ano ang pangalan mo?"

Tumayo siya.

"At bakit ko naman sasabihin sa'yo ang pangalan ko? 'Di naman ako nakikipag-usap sa 'di ko kilala. Sige, nice talking to you" Aniya sabay lakad palayo rito. Narinig pa niya ang mahinang tawa nito pero 'di na lang niya pinansin. Malapit na siya sa entance ng pool area nang bigla siyang may makasalubong.

"Hello, Gaelle. Nandito ka pa pala. Tamang-tama ; sama ka sa'kin. Let's have some fun together" Anito sabay hawak sa kamay niya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang sa hawak at titig nito.

"Pasensya ka na, Louis pero kailangan ko nang umuwi eh. Gabi na. Tatawagin ko lang sina Enricko at Gia" Aniya sabay hila ng kamay rito. Hahakbang na sana siya palayo rito nang hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya.

"Busy pa sina Enricko at Gia. Sige na, sama ka na sa'kin. Diyan lang tayo sa may bar sa malapit" Sabi nito sabay lapit ng mukha sa kanya. Amoy na amoy niya ang alak sa hininga nito. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla siyang higitin nito sa baywang at akmang hahalikan.

Buti na lamang at maagap siya, itinulak niya ito bago pa man siya nito mahalikan. He was drunk enough for her to push him away just like that.

Narinig niya ang mura nito at nang makabawi ay hinaklit nito ang kamay niya. Napaigik siya sa sakit dahil sa higpit nang hawak nito sa kanya.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz