vingt neuf

105K 1.5K 64
                                    

A/N: Hi guys! Sorry for the late update. Nagkasakit po kasi ako at ngayon lang bumuti ang pakiramdam ko. Sa mga nagbabasa ng OTWH, i'll start the book 2 soon so stay tuned! 


KITANG-KITA sa mukha ni Kellan ang saya habang nakikipaglaro ito sa anak na si Brett. Pati ang bata ay masaya rin at panay ang tawa at tili dahil sa pakikipagharutan kay Kellan. Bumili pa talaga ang binata ng mga laruan na angkop sa edad ng anak upang pasayain ito. Masaya ang mga ito na nilalaro ang mga laruan na 'yon sa sala habang sina Gaelle, ang kanilang ina at si Jillian ay nakaupo sa couch habang pinapanood ang mag-ama.

Malikot na ang bata pero hanga siya kay Kellan dahil sa haba ng pasensya nito. Laging maayos ang pakikipag-usap nito kay Brett kahit pa minsan ay masyadong nagiging pilyo ang bata.

Masaya si Gaelle na makita ang nobyo na masaya pero hindi niya maiwasang isipin na sana ay maging maayos na ang lahat para kapag nakapanganak na siya ay wala nang problema pa. Sana ay tuluyang maayos na rin ni Kellan ang sitwasyon nito sa anak para tigilan na sila ni Beatrice.

Sa nakikita niya ay isang mabuti at mapagmahal na ama si Kellan at alam niyang maswerte ang magiging anak nila dahil ito ang ama nito. Kahit halatang pagod ito sa maghapong trabaho ay pinipilit pa rin nitong ibigay ang buong atensyon sa anak. Kahit na hindi nito nakakasama ang bata ng madalas ay iniisip pa rin nito si Brett.

"Okay ka lang ba, anak?" naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang boses ng ina. Halata sa mukha nito ang pag-aalala para sa kanya. Nginitian niya ito.

"I'm fine, mommy. Bakit niyo naman po natanong?"

"Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga tampuhan niyo ni Kellan nitong nakaraang mga araw? Hindi lang ako nakikialam kasi malalaki na kayo at alam niyo na ang ginagawa niyo. Pero nakikita ko na lagi kang malungkot at matamlay at nag-aalala na ako. Sabihin mo nga sa'kin, tungkol ba ito kina Beatrice at Brett?" Nawala ang ngiti niya.

Hindi niya akalaing napapansin pala ng ina ang nararamdaman niya. Kahit pa mas marami ang oras na nasa ospital ito ay nakikita at nararamdaman pa rin pala nito kung masaya siya o hindi. Nang hindi siya sumagot ay nagsalita ulit ito.

"Sweetheart, kung ano man ang nararamdaman mo, pwede mo namang sabihin sa'kin. I am your mother, after all. Matagal tayong hindi nagkasama kaya gusto ko sanang makabawi sa'yo. You can tell me anything. I'm here and will always be here for you, tandaan mo 'yan" Napakagat-labi si Gaelle saka tumango.

Bigla ang pagragasa ng emosyon sa kanya. Tinapunan niya ng tingin ang mag-ama na masaya pa ring naglalaro. Nakisali na rin si Jillian sa mga ito kaya naiwan sila ng ina na nakaupo sa couch.

"Truth to be told, I'm confused, mommy"

"Saan?" She took a deep breath and then continued.

"Alam ko naman na ako ang mahal ni Kellan pero bakit natatakot ako at napa-paranoid? Kapag pinupuntahan niya si Brett at Beatrice sa bahay ng mga ito ay lagi na lang akong 'di mapakali at nababalisa. Normal pa ba ito? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong sabihin na masaya ako para kay Kellan kasi nakakasama na niya si Brett sa wakas. But It's so hard for me to think positively when all I could think about it those negative things that migh happen" Kinuha ng ina ang kanyang kamay at hinawakan iyon.

"Anak, akala ko ba tanggap mo na ang lahat ng nangyari noon at napatawad mo na rin si Kellan?"

"Napatawad ko na siya pero ang hirap pa ring tuluyang kalimutan na ang nakaraan lalo na ngayong umaaligid na naman si Beatrice sa kanya. Hindi ko maiwasang matakot na baka mamaya bigla na lamang niya akong iwan. May anak na sila ni Beatrice at mahal na mahal ni Kellan si Brett. Alam kong uunahin pa rin niya ang anak anuman ang mangyari"

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Where stories live. Discover now