trente

109K 1.7K 72
                                    

A/N: Hi guys! Para po sa mga naiinip sa update ng story na 'to, sana maintindihan niyo po na busy rin ako sa trabaho at nasisingit ko lang ang pagsusulat ng mga updates ng stories ko. Anyway, sana po i-share niyo rin itong story na 'to sa mga kakilala niyo. Salamat po:)


PAGDATING nila sa bahay ng mga ito ay ang galit na galit na si Beatrice ang nagbukas ng pintuan.

"How dare you bring her here, Kellan?!" Duro nito sa kanya. Napakapit si Gaelle sa braso ng nobyo dahil sa itsura ni Beatrice. Para itong isang tigre na anumang sandali ay lalapain siya.

"Ano ba ang problema kung sinama ko siya dito? Syempre, fiancée ko siya kaya kasama ko siya" Halata naman ang inis na sagot ni Kellan. Kitang-kita niya ang paniningkit ng mga mata nito at pagpipigil nitong 'wag magalit dahil sa inaasta ng babae.

Beatrice crossed her arms across her chest and glared at her.

"Ang kapal rin talaga ng mukha mo na pagpakita at tumapak pa dito sa pamamahay ko, ano? Pagkatapos mong agawin sa'kin ang lalaking matagal ko nang mahal, ngayon naman ay sinusubukan mong agawin ang pwesto ko sa buhay ng anak ko at kay Kellan?" Napakunot-noo siya. She looked at her with disbelief.

"Ano? The last time I checked, wala akong inaagaw sa'yo. Mula noon hanggang ngayon, wala akong natatandaang may inagaw ko sa'yo kaya 'wag mo akong pagbintangan ng kung anu-ano. Kung meron mang makapal ang mukha dito, ikaw 'yon. Pagkatapos ng mga ginawa mo, ikaw pa ang may ganang magtaas-noo at magalit sa'kin at baliktarin ako? Talagang baliktad na yata ang mundo" 'Di niya mapigilang magtaas kaunti ng boses saka maging sarkastiko dahil sa mga sinabi nito na talaga namang ikinasulak ng dulo niya.

Naningkit lalo ang mga mata nito pagkarinig sa mga sinabi niya.

"Mga bata pa lang kami ni Kellan ay magkakilala na kami. Mahal ko na siya noon pa man pero nang dumating ka ay naging magulo na ang lahat. Inagaw mo ang atensyon niya na dapat ay sa'kin lang! Nauna ako sa buhay niya kaya kung meron pang panggulo dito at mang-aagaw, ikaw 'yon! Uma----"

"Tama na, Beatrice" Mahina ang boses na saway ni Kellan pero madiin ang pagkakabigkas nito sa mga salitang iyon. His jaw sa clenching tightly and it wasn't hard to tell that Beatrice was beginning to get on his nerves.

Sasagot sana si Beatrice nang magsalita ulit si Kellan.

"Mahiya ka naman kay Brett. 'Yan ba ang ituturo mo sa kanya? Maging isang mabuting ihemplo ka naman kahit sa mata lang ng anak mo"

"Anak natin, Kellan! Don't ever refer him as my son only because he's our son. Remember that!" Anito saka tinawag ang yaya ng bata at inutusang dalhin sa taas. Nang mawala ang mga ito sa paningin nila ay tumingin ulit si Beatrice kay Kellan.

"I need to talk to you. Alone" anito sa binata saka siya tinapunan ng tingin. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa kanya! Ang tono nito ay parang lahat ng karapatan sa nobyo ay hawak nito at hindi niya nagustuhan iyon. Kaya niyang tiisin lahat ng mga ginagawa nito at sinasabi sa kanya pero 'wag siya nitong subukan dahil lalaban siya. Kellan is hers and hers alone!

"Kung ano man ang gusto mong sabihin sa boyfriend ko, pwede mo naman sigurong sabihin sa harap ko" 'Di nakatiis na sabi ni Gaelle sa determinadong tinig. Kellan threw her a glancer and then put his arm over her shoulders as he pulled her closer to him.

"Yes, Gaelle is right. Kung anuman ang nais mong sabihin sa'kin, pwede mo ring sabihin sa harap ng girlfriend ko" gumalaw and panga ni Beatrice.

"Hindi pwedeng marinig ng isang outsider ang pag-uusapan natin dahil tungkol ito sa anak natin" Mariing sagot nito. Nagsalubong naman lalo ang kilay ng nobyo sa sagot nito.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Where stories live. Discover now