douze

153K 3K 108
                                    

A/N: So i just realized na mahirap palang magsulat ng tagalog kasi parang konti lang ang magbabasa, unlike english. lol. Well, tatapusin ko pa rin 'to so everything's cool :p

"JILLIAN, Tita!" masayang tili ni Desiree habang umaahon sa pool. Kinuha naman ni Jillian ang towel na nakalapag sa may lounge chair at ibinigay sa dalaga na ginamit nito upang tuyuin ang sarili. Maya-maya pa ay nakipag-beso-beso na ito sa mga bagong dating.

Umahon na rin siya at lumapit sa mga ito.

"Meet my daughter, Desiree. She's Gaelle, Gaelle, this is Desiree, one of Kellan's good friends" Gaelle smiled blandly but she still shook hands with Desiree.

"'Di ko po alam na may kapatid pa pala si Kellan bukod kay Jillian" Gusto niyang itama ito pero isang idea ang biglang lumitaw sa utak niya.

He put an arm over Desiree's shoulders and pulled her closer to him.

"Hey, you need to take a shower and change your wet clothes. Baka magkasakit kayo niyan" Anang ina.

"Ano ba kasi ang nakain niyo at naligo kayo sa pool nang naka-damit? Mga batang 'to talaga. 'Di na kayo nagbago" Naiiling na patuloy nito sa pagsasalita. Madalas kasi noon na magkasama sila pag wala naman silang ginagawa. Minsan ay kasama rin nila ang mga kaibigan nila. Nag-aral ito sa Maynila sa eswelahan na pinasukan niya kaya naman madalas talaga silang magkita at magkasama. Lagi pa nga silang napagkakamalhang mag-nobyo na tinatawanan na lang nila.

"Sorry to interrupt guys but I need to do something upstairs. Mauna na ako sa loob. Enjoy your self, Desiree. It's nice meeting you, by the way" Sabi nito at umalis na.

"Ano'ng nangyari 'dun? Kanina, ang saya-saya lang niya, ngayon naman parang may nakain na mapait ang itsura ng mukha" Nag-aalalang ani Jillian.

"Hayaan mo na ang ate mo, Jillian" Sagot naman ng ina pero sa kanya nakatingin.

"Ma, can you assist Desiree to the bathroom, please? I just need to do semething. I'm sorry, Des. I'll talk to you later" Paalam niya pagtapos ay iniwan niya ang mga ito nang hindi hinintay ang sagot ng mga ito. Dali-dali siyang umakyat sa taas at dumiretso sa inuukopang kwarto ni Gaelle.

He knocked but he didn't receive any response. Sinubukan niyang buksan ang pintuan pero naka-lock.

"Gaelle" Tawag niya rito nang 'di siya nito pinagbubuksan.

"Leave me alone!" Narinig niya ang galit na boses nito. Napakunot-noo siya.

"No! Let me in" He insisted but he didn't hear any further response. He tried knocking for a couple of times but he received nothing but silence. Nakaramdam na siya ng pag-aalala kaya naman dali-dali niyang kinuha ang spare key mula sa lalagyan at binuksan ang pinto.

Lalo siyang nag-alala nang 'di niya ito makita sa loob ng kwarto. Pumunta siya sa terrace pero wala rin ito roon. Binuksan niya ang loob ng shower room at nakahinga siya ng maluwag nang makita niya itong nagbababad sa bath tub.

"What the hell are you doing in here?! Pa'no ka nakapasok?!" Gulat na may kasamang galit na tanong nito. 'Di niya ito sinagot at nilapitan ito.

"Are you out of your mind?! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa'yo nang 'di ka na sumasagot kanina?! Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" She was taken aback for a second before her face contorted in anger.

"Don't you dare shout at me, Kellan! I told you to leave me alone!" His jaw tightened. Niyuko niya ito at hinawakan sa mga braso saka sapilitang itinayo. Nagpapalag ito pero hinalikan niya ito upang patahimikin. Epektibo naman dahil natahimik nga ito.

She was gaping at him in shock when he let go of her luscious lips. Napansin niya ang namumula nitong mga mata, tanda na umiyak ito.

"You cried" Nag-iwas ito ng tingin. He cupped her face to make her look at him.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Where stories live. Discover now