trente-deux

113K 1.7K 117
                                    

I re-upload this because i received messages that they couldn't see this chapter. No'ng Friday ko pa po ito ini-upload. 

IMPORTANT!!!! A/N: Hi guys! Mukhang medyo matatagalan bago ako makapag-update ulit kasi magbabakasyon kami sa Pilipinas (1 month). I'll be busy for sure kaya 'di ko maipapangako na makaka-update ako. I hope you understand :)


ISANG malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Kellan mula sa ina. Bakas ang galit nito habang nakatingin sa kanya. Ang mga luha nito ay nagbabadyang tumulo dahil na rin sa galit nito sa kanya. Aside from that, he could see disappointment in her eyes for him and he felt so bad about it.

Alam niyang mahal siya nito at itinuring siya nitong parang isang anak. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman rito na itinuring siya nitong iba. Ito na ang tumayong ina niya mula noong nagpakasal ang daddy niya rito at nirerespeto niya ito.

Siya man ay ganun din. Minahal niya ito bilang isang tunay na ina. Akala niya noon ay magiging impyerno ang buhay niya dahil may bago na siyang ina pero nagkamali siya. Napakabait nito. Ito ang naging sandalan niya sa mga pagkakataong nangungulila siya sa tunay na ina kaya naman lahat ng achivements niya ay dito niya inalay.

Kahit pa hindi naman kataasan ang mga marka niya noon dahil panay ang bulakbol niya ay pinupuri pa rin siya nito. Kahit pa nagagalit ang ama sa kanya dahil sa mga pinaggagawa niya ay pinagtatanggol siya nito.

Ito ang nakikinig sa kanya at naniniwala sa mga paliwanag niya. Kaya naman pinangako niya sa sarili na hinding-hindi niya ito bibigyan ng sama ng loob. He wanted her to be proud of him.

Pero ngayon, kitang-kita niya ang pagka-disappoint nito sa kanya at nahihiya siya rito. Sinaktan niya ang anak nito at alam niyang doble ang sakit niyon para rito.

Kararating lamang nito galing sa ospital at siya naman ay kararating din galing sa paghahanap kay Gaelle. Hinanap niya ito sa mga lugar na alam niyang maaaring puntahan nito ngunit wala ni anino nito sa mga lugar na 'yon. Alas dies na ng gabi pero wala pa siyang kain dahil buong araw siyang naghanap.

Wala siyang maramdamang gutom dahil ang nasa isip lamang niya ay ang makita at makausap ang babaeng minamahal.

Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang wala ito sa kanilang bahay pagdating niya pagkagaling kina Beatrice. Pati ang mga iba nitong gamit ay wala na rin. Alam niyang sobrang nagtampo at nagalit ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Aaminin niyang kasalanan niya ang lahat dahil hinayaan niya ang sarili na maging isang tanga.

Hinayaan na naman niyang manipulahin siya ni Beatrice. Pinangako niya rito na hinding-hindi na siya magpapadala sa mga ginagawa ni Beatrice pero heto siya, matagal na palang niloloko nito at 'di man lang niya nahalata.

Pinanghawakan niya ang isang dokumento na akala niya ay totoo. Ginawa niya ang lahat upang ipaglaban ang karapatan kay Brett kahit pa alam niyang naaapektuhan na nang sobra si Gaelle. Pero 'yon pala, wala siyang dapat ipaglaban dahil wala naman siyang karapatan sa bata. Hindi niya pala ito tunay na anak.

Maybe this is his karma because he hurt her before. But heck, why did this thing have to happen to them? Dapat siya lang ang makarma at masaktan. 'Di na dapat ito nadadamay pa dahil higit siyang nasasaktan kapag nasasaktan ang pinakamamahal na babae.

Ilang beses na siya nitong pinatawad dahil lagi na lamang siyang nagkakamali. Naging malawak ang pang-unawa nito at lagi na lamang nagbibigay. Pero sa pagkakataong ito ay nag-give up na yata ito at nagsawa na sa sitwasyon dahil iniwan na siya. Kahit sinong babae siguro ay gagawin rin ang ginawa nito dahil hindi niya ito pinaniwalaan agad at pinagkatiwalaan.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Where stories live. Discover now