Vingt-et-deux

122K 1.8K 51
                                    

A/N: Hi guys! Belated Happy New Year to you all! I just wished na nakauwi ako sa Pilipinas to experience Christmas and New Year there but i couldn't...It's been almost a decade since i last experience holiday season there. Sayang talaga...-_-

Anyway, sorry again for the late update! I'll try to update this story more often now. Sana patuloy niyo pa rin itong subaybayan at suportahan. :)

---Zoé Isabel...


MALAWAK ang ngiti ni Gaelle habang tinititigan niya ang sing-sing sa kanyang daliri. Hanggang ngayon ay 'di pa rin niya mapaniwalaan ang mga nangyari kahapon. Animo hanggang sa mga sandaling iyon ay lumulutang sa pa rin siya sa alapaap sa sobrang saya'ng nararamdaman niya.

'Di niya akalaing pwede pala talagang maramdaman ang ganitong klaseng kaligayahan.

How couldn't she? Nag-propose lang naman kasi sa kanya ang pinakamamahal niyang lalaki. Yes. She and Kellan are now engaged to be married at talaga namang halos mapunit na ang kanyang mga labi sa kakangiti.

"You look happy" Puna ng binate na tinapunan saiya ng tingin saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Napapansin pala siya nito kahit sa daan lang halos nakatutok ang mga mata nito.

"Of course, I'm happy right now" Matamis naman ang ngiting tugon niya sa nobyo. Kumislap rin ang mga mata nito saka ngumiti.

"Ako ba ang dahilan ng saya'ng 'yan?" She rolled her eyes.

"Eh, sino pa nga ba, aber?" kunwaring taray niya rito. Tumawa ito pagkatapos ay nagseryoso rin.

"Alam ko naman na ako ang dahilan ng saya mo, chérie, and I'm happy too. Kaninang umaga ka pa ganyan kahit na medyo 'di naging maganda ang gising mo. Anyway, okay ka na ba?" Tila nag-aalalang anito.

"Yup. I'm fine now. Siguro, dahil lang sa puyat at tsaka siguro sa kaba na rin kaya medyo sumama ang pakiramdam ko. But you don't have to worry, chéri. I'm okay now" Sabi niya. Kinakabahan rin kasi siya dahil sa pag-uwi nila ngayon. Ipagtatapat na kasi nila ni Kellan ang tungkol sa relasyon nila sa pamilya nila.

Tiningnan niya ito. Nababakas ang pag-aalala nito para sa kanya at pana yang tingin sa gawi niya. Napangiti siya. He's such a worrywart. Mula kaninang bago sila magbiyahe ay nakailang tanong na ito sa kanya kung okay lang ba siya. She smiled inwardly. This is oen of the sides of Kellan that didn't change one bit since when they first met.

Maalalahanin pa rin ito at malambing kaya napakadalaing nahulog ang loob niya rito.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala naman na siyang nararamdamang kakaiba bukod sa medyo nagugutom na siya.

Kaninang umaga ay muntik na silang 'di matuloy sa biyahe nila pauwi ng Manila dahil nahihilo siya at nagduduwal. Hinang-hina siya at animo wala na siyang lakas upang bumangon pa. Nanatili siya sa kama pagkatapos niyang magsuka sa banyo at natulog ulit.

Mabuti na lamang at nawala rin nang magising na siya ulit. Natatawa pa siya kay Kellan dahil nagpa-panic na ito at pinipilit siyang dalhin na sa ospital.

Ipagpapaliban pa sana nito ang pag-uwi nila pero nagpilit siyang lumuwas na sila. Gustong-gusto na niyang makaharap ang ina at kapatid. Oo, medyo kinakabahan siya sa maaaring maging reaction ng mga ito pero umaasa siyang matatanggap ng mga ito ang relasyon nila ng binata. They're not doing anything wrong anyway.

Wala namang silang nasasagasaang tao sa relasyon nila kaya malaya silang dalawang magmahalan.

"Just inform me right away if you feel something unpleasant so that we can go to the hospital" She nodded her head. Isinandal niya ang ulo sa upuan at tumingin sa labas. Maya-maya pa ay napatingin ulit siya sa sing-sing niya na bigay ng nobyo.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon