seize

158K 2.4K 33
                                    

Late upload kaya ginawa kong mas mahaba. Sana magustuhan niyo :p

MATAMANG pinagmamasdan ni Kellan ang dalaga. Mukha ito'ng may malalim na iniisip. Tapos na siyang kumain pero si Gaelle ay halos nakalahati pa lamang nito ang laman ng plato nito.

"Ano ang iniisip mo?" Tanong niya rito. Para namang natauhan ito nang marinig ang boses niya.

"Ano 'yon?" He chuckled.

"Sabi ko, ano ang iniisip mo? Kanina ka pa tulala" Bigla nitong kinuha ang baso nito ng tubig at nilagok iyon. Namumula ang mga pisngi nito at halatang may naalala.

"Wala naman. Let's continue eating" Natawa siya nang mahina.

"Tapos na akong kumain. Ang bagal mo naman kasi. Nakatulala ka diyan. Curious tuloy ako kung ang ang naalala mo" Inirapan siya ng dalaga at pinagpatuloy nito ang pagkain. Naaaliw naman niyang pinanuod ang bawat pagsubo nito.

"Masarap ba?" She shrugged her shoulders.

"Pwede na rin" Sagot nito sabay subo ulit.

"Ang harsh mo talaga pagdating sa'kin. Sige na nga. I'll take that as a positive remark" She rolled her eyes.

"'Wag mo nga akong titigan nang ganyan. Kumakain ako" Saway nito sa kanya. Umangat ang mga kilay niya.

"Bakit? Masama na rin bang tumingin ako sa'yo ngayon? Pati ba naman 'yon, bawal?"

"Hay naku. Ewan ko sa'yo. Do'n ka na lang sa sala at manood ng TV. Tapos ka naman nang kumain, 'di ba?" Sagot nito sabay muwestra sa kamay nito sa direksyon ng sala.

"Ayoko nga. Gusto ko na kung nasa'n ka, nandon din ako" Umirap ulit ito sa kanya.

"Ewan ko na talaga sa'yo, Kellan. You're hopeless. Bahala ka na nga" Sabi nito at tinapos na ang pagkain. Maya-maya pa ay tumayo ito at akmang kukunin ang mga pinagkainan nila nang unahan niya ito.

"Ako na" Aniya sabay kuha ng mga pinagkainan nila. Dinala niya ang mga iyon sa lababo at sinimulang hugasan. Naramdaman niya ang presensya nito sa likuran niya. Sinundan pala siya ng dalaga hanggang sa kusina. Nang tingnan niya ito, para itong natuklaw ng ahas na nakatingin sa kanya.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"'Di ko alam na magaling ka na palang maghugas ngayon" Komento nito sabay sandal sa ref. Nakatingin pa rin ito sa kanya na kasalukuyan nang nagsasabon ng plato.

"Dati naman akong marunong maghugas ng pinagkainan, 'di ba?" Tumaas ang isang kilay nito.

"Excuse me lang no. Sa pagkakatanda ko, halos mabasag lahat ng mga plato at baso kapag ikaw ang naghugas" Kitang-kita niya ang pagkaaliw sa mga mata ng dalaga sa alaala nila noon. Tama ito. Dahil lumaki siyang 'di marunong sa mga gawaing bahay, naging mahirap para sa kanya noon kahit ang simpleng paghuhugas ng pinggan. Hindi naman sa mahirap as in mahirap pero kahit ano'ng gawin niya, nakakabasag pa rin siya at 'yon ang lagi nitong tinatawanan noon.

Lagi siya nitong tinutukso na 'clumsy na macho'. Pero okay lang naman sa kanya ang mga pang-aasar nito sa kanya. In fact, he liked it very much when they're like that. Masaya at nagtatawanan na parang mga bata.

Ganun naman siya noon. Kahit alam niyang 'di pa niya nasubukan ang isang bagay, ginagawa niya lalo na kung para naman sa babae'ng kinababaliwan niya. Gusto'ng-gusto niya itong pinagsisilbihan. Ganun niya kamahal ang dalaga.

"I'm glad at naaalala mo pa ang mga bagay na 'yan" Sabi niya nang matapos siyang maghugas. Of course, wala siyang nabasag. Pa'no, sanay na siyang maghugas. Mag-isa lang naman kasi siya sa bachelor's pad niya at ang katulong niya ay pumapasok lamang para linisin ang tirahan niya, ipaglaba siya at ipagluto.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Where stories live. Discover now