sept

183K 3.1K 40
                                    

A/N: I created a FB account. Doon ko ipopost ang mga teasers ng mga updates ko for my stories and some other things na rin.  

Add me. FBun: TwentyTwo MonAmour

*********

GABI na nang makauwi si Gaelle dahil doon na rin siya nag-dinner sa bahay ng mamie at papie niya. Enricko and Gia were insisting for them to have a night out together but their grandparents didn't allow them. Narinig kasi ng mga ito ang usapan nila dahil na rin sa lakas ng bunganga ng pinsan niyang si Enricko. Ayon, mamie decided to be a 'kontrabida' at pinauwi na lang sila.

"Hello sweetie. I'm glad you're finally home. Kumain ka na ba?" Tanong ng mommy niya. Hanggang ngayon, 'di pa rin niya ito magawang tawaging 'mommy' dahil nakaka-awkward. She's not that comfortable enough yet.

"Kumain na po ako. Pasensya na po at ngayon lang ako nakauwi" Ngumiti lamang ito.

"Okay lang, anak. Kumain na rin kami kanina. 'Yong mga kapatid mo nasa taas na. Hinintay lang kita" Nakadama naman siya ng guilt. She bit her lower lip.

"Sana po 'di niyo na lang ako hinintay. I know you're tired from work"

"Nonsense. I am not that exhausted because I went home earlier than usual. May gusto lang sana akong sabihin sa'yo, anak" She looked at her mom curiously.

"Ano po 'yon?"

"Talaga bang uuwi ka na within three days? 'Di ba pwedeng mag-extend ka pa?" Natitig siya sa kanyang ina. She opened her mouth to say something but she couldn't form any sentence at all so she just bit her bottom lip again and averted her gaze. Her throat suddenly tighetend.

"Kung pwede lang sana, mag-stay ka muna dito. Parang 'di pa ako handa na mawalay sa'yo. Sana lang pagbigyan mo ako, sweetheart" Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at hinuli ang kanyang mga mata. Nakikiusap ang itsura nito at naiiyak na. She heaved a sigh.

"A-Ayaw mo ba dito? Ayaw mo ba akong makasama at ng mga kapatid mo?" Napapikit saglit si Gaelle. Nang magmulat siya ng mga mata ay nagulat na lang siya dahil umiiyak na pala ang ina.

"Please, don't cry, m-mommy. For you, I'll extend for a month" Narinig niyang napasinghap ito.

"Y-You finally called me mommy" Mahinang sabi nito na parang 'di makapaniwala pagkatapos ay bigla siya nitong niyakap.

"Sa wakas, narinig ko rin sa'yo 'yan. Akala ko ko 'di mo na ako tatawaging mommy" Pinupog pa siya nito ng halik sa mukha. She chuckled. She thought that she wouldn't have enough guts to call her 'mommy' because she felt awkward saying it. Pero dahil magaan ang loob niya rito ay napadali ang lahat. At least, they took a step forward in their relation as mother and daughter.

"Sorry kung medyo naninibago po ako na makasama kayo but rest assured, I'll do my best to fulfill the role of being your daughter" Napangiti ito at hinaplos ang kanyang pisngi.

"Anak, 'di mo kailangang alalahanin ang mga ganyang bagay. Just be yourself. Ang hinihiling ko lang sa'yo ay makasama ka pa namin ng mas matagal" She nodded her head.

"Alam mo, nung mawala ka sa'kin, akala ko mababaliw ako. Hinanap kita sa abot ng aking makakaya pero sadyang mapaglaro ang tadhana at inilayo ka niya sa akin. Namuhay ako ng ilang taon na parang patay. Lagi akong umiiyak at walang araw na hindi kita naaalala. Nang dumating sa buhay ko sina Luis, naibsan ang lungkot ko, lalo na nang ipanganak ko ang kapatid mo. Lahat ng pag-aalaga at pagmamahal na 'di ko naibigay sa'yo ay binigay ko lahat kay Jillian at Kellan pero kahit ganun, lagi ka pa rin sa isip ko. Akala ko 'di na kita makikita pa pero salamat sa Dios at binalik ka niya sa akin" Wala siyang maisagot kundi ang yakapin na lang ang ina.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)On viuen les histories. Descobreix ara