neuf

170K 2.7K 24
                                    


"WHERE is Kellan?" Tanong ng mommy nila sa kanilang dalawa ni Jillian.

"I don't have any idea, mom" Sagot naman ng kapatid habang patuloy lamang ito sa pagkain. Napatingin si Gaelle sa wall clock. Alas siete na nang gabi pero 'di pa rin bumabalik ang binata. Napakagat labi siya nang maalala ang nangyari kaninang hapon.

Ano ba talaga ang gusto nito at 'di siya tinatantanan? Nakuha naman na nito ang gusto sa kanya kaya dapat ay magpakatotoo na 'to at lubayan na siya.

Alam naman niya kung ano talaga ang gusto nito at 'yon ay ang katawan lang niya. Oo, sinabi nito'ng mahal siya nito pero hindi siya naniniwala. Pagkatapos ng mga nangyari sa nakaraan, napakahirap na para kanya ang panghawakan ang mga salita nito.

Umiwas hangga't kaya niya; yun na lamang ang alam niyang magagawa niya para maiiwas ang sarili sa sakit na idudulot ni Kellan sa kanya.

Siguro kung siya pa rin ang dating babae na nagmahal rito ng lubos noon, magiging maligaya siya dahil gusting-gusto niya noong naririnig iyon mula sa binata. Pakiramdam niya ay kanya ito at wala nang makaka-agaw pa rito mula sa kanya.

Pero pagkatapos ng mga nangyari, mas matimbang na ang sakit. Mahal niya ito pero wala na siyang tiwala pa rito.

"Gaelle?" Nag-angat siya ng paningin nang marinig ang boses ng ina niya.

"Yes, mom?" Natawa nang mahina ang ina habang pinag-aaralan nito ang itsura niya.

"Tinatanong kita kung nagsabi ba sa'yo si Kellan kung saan ba siya pumunta?" Nakaramdam siya ng pagkapahiya.

"H-Hindi po, eh" She answered meekly.

"Hay naku. Ang bata'ng 'yon talaga. Saan na naman kaya nagsusuot?"

"Did you try to call his phone, mom?" Jillian asked.

"Sinubukan ko na pero out of coverage area ang telepono niya"

"Don't worry about kuya, mommy. He's already a grown-up man. Uuwi rin 'yon mamaya for sure" Sabi ni Jillian. Napabuntong-hiningan na lang ang ina nila.

"Ano pa nga ba?"


NANUNUOD siya ng movie nang bumukas ang pinto ng banyo at iluwa nun ang kapatid na bagong ligo.

"It's your turn, ate" Pinatay niya ang TV at tumayo na upang kumuha ng damit sa closet. Maya-maya pa ay pumunta na siya sa banyo upang maligo. Habang nagsasabon siya ay biglang sumingit sa isipan niya si Kellan. Nasa'n na kaya ang lalaking 'yon?

Napabuntong-hininga na lamang siya at tinapos ang paliligo. Nang makapagbihis na siya ay lumabas na siya ng banyo upang mag-blowdry ng buhok. Habang nagpapatuyo ng buhok ay napansin niya ang kakaibang pagtitig ng kapatid sa kanya.

"Why are you looking at me like that, brat?" Aniya sabay patay ng hairdryer. Napakurap ito nang ilang beses bago umayos nang pagkakaupo sa kama.

"Talagang brat na rin ang tawag mo sa'kin, ate" Nagpa-pout na sabi nito na ikinatawa niya ng mahina.

"Why not?" Jillian rolled her eyes.

"Hay naku. Bahala na nga kayo ni kuya. Kayo lang naman ang tumatawag sa'kin niyan. Bagay talaga kayo" Biglang natigilan si Gaelle sa sinabi ng kapatid at napatitig siya rito. May kakaibang kislap sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"W-What are you talking about, brat?" It was Jillian's turn to roll her eyes skyward.

"Hay naku ate. Nakita ko ang nakita ko kanina kaya 'wag ka nang magkaila pa sa'kin" Napakunot-noo siya sa sinabi nito. Nalito siya kung ako ang tinutukoy nito pero bigla na lang nanlaki ang mga mata niya ng matukoy kung ano ang pinupunto nito.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα