Vingt-quatre

123K 2K 59
                                    

A/N: Hi guys! This chapter is a little bit longer than the previous chapter! I hope you like it :) Enjoy! 

---Zoé Isabel aka 22_MonAmour

SUNOD-SUNOD ang tungga ni Kellan sa bote ng beer na hawak. Napakabigat ng dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina lang. Akala niya magiging okay na ang lahat ngayong tuluyan na siyang tinaggap muli ni Gaelle sa buhay nito pero nagkamali siya.

Oo, kasalanan na naman niya dahil 'di niya sinabi ang sekreto niyang may anak sila ni Beatrice. Bakit ba kasi napakahirap magsabi ng totoo minsan lalo na kapag alam mo na ito ang magiging dahilan upang masaktan ang taong pinakamamahal mo?

Sabi nga sa kasabihan, it's better to be hurt by the truth than comforted by a lie. Siguro nga, tama ang kasabihan na iyon. Dapat naging totoo siya sa simula pa lang para 'di na sila umabot pa sa ganitong sitwasyon. He should've told her everything from the beginning.

Wala naman siyang plano na itago iyon mula sa dalaga nang matagal. Ang plano niya ay kakausapin niya ito tungkol doon pagbalik nila ng Manila. Pero dahil ipinagpaliban niya ay nangyari tuloy ang 'di niya inaasahan. Dumating si Beatrice at muli na namang nasira ang maganda sanang plano niya.

Alam naman niyang magagalit ang dalaga sa kanya kapag ipinagtapat niya ang totoo pero at least, nakapagpaliwanag sana siya nang mas maayos. Iyong naihanda niya itong mabuti para hindi ito masyadong mabigla.

Malaki ang naging epekto ng presensya ni Beatrice kanina kay Gaelle dahil ito ang naging dahilan upang bumalik na naman rito ang mga alaala na dapat ay nakalimutan na.

Tumungga ulit siya sa bote hanggang sa tuluyang maubos ang laman niyon. Kinuha niya ang isa at akmang bubuksan nang may umagaw mula sa kanya.

Napakunot-noo siya at nagtaas ng tingin. It's Jillian.

"That's enough, kuya. Pangatlo mo na yan. Alam mong 'di ka niyan matutulungan kahit ilang bote pa ang inumin mo. Walang magbabago at magkaka-hang-over ka pa" Napabuntong-hininga si Kellan at mapait na ngumiti sa kapatid. Umupo si Jillian sa katapat na upuan. Nasa mini bar sila ng bahay nila. Pasado ala dies na ng gabi. Mula kaninang nag-usap sila ng step-mother ay 'di na siya pinayagan nitong makapasok sa kwarto ni Gaelle.

Tama ang mommy nila. He should give Gaelle enough time to think things through until she's ready to talk to him about it.

Alam niyang kanina pa gising ang dalaga pero 'di pa ito lumalabas ng silid nito. Marahil ay ayaw na siya nitong makita. Knowing her, she must be crying inside her room in silence. Alam niyang matapang ito pero nagiging iyakin rin kapag nasasaktan. Thankfully, their mother was there and didn't leave Gaelle since this afternoon.

"Akala ko galit ka rin sa'kin?" Napakunot-noo ang kapatid.

"Pa'no mo naman nasabi 'yan, kuya?"

"Kasi 'di mo ako kinakausap o pinapansin mula kaninang hapon" She sighed.

"Truth to be told, gusto kong magalit sa'yo pero 'di ko magawa. Siguro dahil may tiwala ako sa'yo at alam kong 'di mo sinadya ang lahat. Well, 'yon ang gusto kong paniwalaan. 'Di mo naman siguro sinadyang lokohin ng ganun ang ate ko, 'di ba, kuya?" Her eyes were staring at me pleadingly. Animo, nakikiusap ito na tumango siya dahil kapag nagkamali pala ito ng pagkakakilala sa kanya ay masasaktan ito ng sobra. Ngayon lamang niya nakita ang kapatid na ganun.

Simula ng sanggol pa lamang ito ay ipinangako niya sa sariling siya ang magiging best kuya para rito at tagapagtanggol nito mula sa anumang maaaring makasakit rito. Mahal na mahal niya ang kapatid at ayaw na ayaw niyang nakikita itong malungkot.

"Come here, brat" Aniya saka tinapik ang upuan sa tabi niya. Tumayo ito at dahan-dahang umupo roon. Hinawakan niya ang kamay nito saka pinakatitigan ang maganda nitong mukha.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Where stories live. Discover now