treize

158K 2.6K 93
                                    

A/N: Hi guys! How's this story so far? I hope you're enjoying it! Happy reading!

Don't forget to COMMENT, VOTE, SHARE this story and FOLLOW me. :p


SUSUGURIN na naman sana nito ang 'di pa nakakatayong si Zeth nang makabawi si Gaelle at pumagitna sa mga ito.

"Kellan, ano ba'ng problema mo?! Bakit ka ba bigla na lang sumusulpot tapos manununtok ka na lang nang basta-basta?!" Galit na sigaw niya rito. Lalo namang naningkit ang mga mata nito.

"Why, Kellan? You're jealous?" Pasarkastiko namang singit ni Zeth na nakatayo na habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi nito.

Kellan gritted his teeth as his eyes turned darker in rage. Parang papatay na ang itsura nito. Kitang-kita niya ang paninibugho sa mga mata nito. Alam niya na kapag ganito na ang itsura ng binata ay talagang galit ito. Ano ba kasi ang ginagawa ng kumag na 'to dito? Busy siyang nakikipagharutan kay Desiree, 'di ba?

"Bakit naman ako magseselos sa'yo? If I know, ginagawa mo lang 'to para gumanti sa'kin" Zeth chukled in amusement of what Kellan just said.

"Sorry, my dear cousin but you're wrong. Wala na akong pakialam sa nakaraan at kung gusto kong makipagmabutihan kay Gaelle then no one can't stop me. Sa pagkakaalam ko kasi ay single naman siya. 'Di ka rin naman niya boyfriend kaya ano ang ikinagagalit mo?"

"I told you, she's my girl. You can do whatever you want to other girls but dare touching even her finger and I'll kill you" Banta ng binata. Talagang galit na galit ito at 'di niya alam kung ano ang gagawin at sasabihin upang tumigil na ang mga ito.

Parang mga galit na toro ang mga ito habang nagsusukatan ng tingin.

"Really? Is that true, Gaelle? Boyfriend mo ba siya?" Tanong ni Zeth sa kanya. Para namang nalunok niya ang dila dahil 'di siya nakasagot. Sila nga ba ni Kellan? Malinaw sa kanya ang sagot pero bakit parang ayaw niyang sabihin?

"Bakit 'di mo siya sagutin, Gaelle?" Kellan stated daringly. Lalong nanuyo ang lalamunan niya at lumakas ang tibok ng puso niya. Titig na titig ito sa kanya habang hinihintay ang sagot niya. Kita ang galit nito pero may nasisilip rin siyang pagsusumamo roon. Para saan? She doesn't comprehend either...or maybe she's just trying to ignore it.

Sa kawalan ng maisasagot at kalituhan ay tumalikod na siya at dali-daling tumakbo papunta sa bike na ginamit niya kanina. Narinig niyang tinawag siya ng dalawang lalaki pero 'di na siya lumingon.

Sasakay na sana siya sa bike nang bigla siyang mapatili dahil biglang may bumuhat sa kanya na matitipunong braso at isinampay siya sa balikat nito na parang sako ng bigas.

Nagtitili siya at pinagsusuntok ang likod nito pero balewala lang rito ang panlalaban niya. Ang mga tao sa paligid ay nakatingin na sa kanila.

"Sige, tumili ka lang diyan. I'll give you your punishment later" Sabi ni Kellan sabay palo sa pwet niya.

"Bastos! Manyak ka talaga!" Galit niyang sabi pero 'di siya nito pinansin. Binuksan nito ang nakaparadang sasakyan at ideneposito siya nito sa shotgun seat. Akma niyang sasampalin ito pero maagap siya nitong napigilan sa braso at biglang hinalikan.

The kiss was wild, passionate and rough. She felt his hands on her nape and pulled her closer to him, which made the kiss more intense and deeper. She initially moaned in protest but that was just for a second.

Halos maliyo siya sa kakaibang damdaming lumukob sa kanya nang biglang magbago ang pamamaraan ng paghalik nito. Napaungol siya sa sensasyong hatid niyon sa kanya at akma siyang tutugon nang bigla itong tumigil. Nagkatitigan sila.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Where stories live. Discover now